Abante Tonite Interactive

Xian nag-babu sa Instagram

396

May drama si Xian Lim na hindi ko na uulitin pa. Para sa director ng “Tabon,” nawa’y mapangatawanan niya at hindi babawiin ang kanyang pamamaalam sa Instagram.

Itodo na niya rin, dapat pati sa Twitter, YouTube channel o Facebook page niya, fan-made man o personal, ipa-deactivate na niya.
Nawa’y matagpuan niya ang katiwasayan at kapayapaan. Sa true lang, with or without him, lalo na para sa mga basher at hater niya, life goes on at kahit pa nga wala na siya, patuloy pa rin ang pagratrat at talak sa kanya at sa iba pang artista na ginawang extension of their loves ang kanilang celebrity status at mga personal na buhay.

Abante Hiring – IT dep

Pagluha sa takilya ni Lustre ‘wag sanang strike 2

Matapos tanghalin bilang pinakamahusay na aktres para sa “Never Not Love You” mula sa FAMAS, Young Critics Circle at URIAN, ang namumuno sa karera ni Nadine Lustre, paano siya ginantimpalaan?

Dapat ba nating ikalugod ang katotohanan na bida siya sa “Indak,” isang pelikulang bagong-bago ang titulo at bagong luma ang leading man, si Sam Concepcion?

Sa true lang, ang salitang indak, ginagamit pa ba sa kasalukuyang panahon? Parang as dated as kendeng, kembot, imbay at indayog, hindi ba naman?

Kung tama ang aking pagkakatanda, noong may dance movie sina Gary Valenciano at Ms. Universe 1993 Dayanara Torres, “Hataw Na” ang pamagat. It took a while para tanggapin ang salitang “hataw” na related sa pagsayaw dahil ‘pag ikaw ay hinataw, ibig sabihin, malakas ang pagpalo sa iyo.

Kaya ‘pag sinabing hataw sa pagsayaw, pangmalakasang sayaw, iba ang moves at groove.

Eh ang “indak,” mas ginagamit ito sa mga folk dance at sayaw ng mga komunidad kultural. Paano nga kaya nila bibigyang-paliwanag na puwede pa ang salitang indak sa sayaw na halos hip-hop at modern jazz ang ipinapakita?

Hindi ba dapat another dramatic movie ang reward ni Lustre for a job well done, dahil not once but thrice siyang nagka-tropeo? After Antoinette Jadaone, hindi ba mas mainam na ilagay ang aktres sa isa pang mature role na sasagpa­ngin niya at bibigyang-buhay para mapatunayan sa lahat at sa kanyang sarili na hindi fluke ang kanyang viktoria?

Kailan pa ba ang huling dance movie na meron sa Pilipinas na limpak-limpak ang kinita sa takil­ya? ‘Yung Gary at Dayanara movie pa ba? Ito ba ang pelikulang talagang magpapasigla muli sa Philippine box-office?

Paano kung mag-under perform? Walang duda na grabe na naman ang bashing kay Lustre. For sure, may kuda na malas sa kanya ang mga best actress panalo niya. Siguradong may hanash rin na hindi niya kayang mag-isa, dependent siya kay James Reid para kumita ang pelikula.

Alam naman natin ang kaganapan sa huling pelikula niyang “Ulan.” Marami ang hindi nagkagusto at luhaan sa takil­ya. Ang suwerte, walang pag-ulan.

Kaya nga ‘di dapat na mag-strike two si Nadine sa pagluha sa box-office. Mas maraming mawawala sa kanya kesa kay Concepcion na kahit saang anggulo tingnan, eh neither here or there ang career. Magpakatotoo na tayong lahat, huh!

Si Sam, dapat bawas-bawasan ang kaangasan at ka-burgisan dahil iyan ang persepsyon ng mga tao sa kanya. Kahit talented singer at dancer si Concepcion, marami ang naaalibadbaran sa yabang niyang hindi mo sigurado kung sadya o hindi sinasad­ya.

Ano pa nga ba ang magagawa natin, andiyan na ang “Indak” kaya tayong mga nananalig sa husay at galing ni Lustre, dapat go for gold ang support natin sa movie.

FDCP nagsalita sa kaso ng CEAP

Dahil patas ang pitak ng diva that you love. Heto ang official statement ng FDCP patungkol sa reklamong kanilang haharapin:

“The FDCP is refraining from releasing any further statements at this time in relation to the reports of a case being filed against the Agency by the Cinema Exhibitors Association of the Phi­lippines until we get the official summons of the court and review the case.

“What we maintain is that the Agency release of FDCP Memorandum Circular 2019-01 (Policies and Guidelines on the Theatrical release of Films in Philippine Cinema) is in line with our objective to address the existing gaps as presented by sectors of the industry involved in the theatrical distribution of films and to create clear, balanced and transparent guidelines beneficial to all its stakeholders.

“We will plan for a course of action once we received the official documents.

“Meanwhile, we are continuing to work with our stakeholders for our prog­rams for the local film industry.”(Alwin Ignacio)