Abante Tonite Interactive

Xian nakipag-away sa director

932

Ni: Archie Liao

Marami ang natuwa nang mabigyan ng pagkakataon ang “Untrue” star na si Xian Lim ng pagkakataon na makapagdirek ng kanyang sariling pelikula sa Cinemalaya noong nakaraang taon.

Gayunpaman, aware rin si Xian na marami ring mga kritiko ang inokray at hindi nagustuhan ang kanyang directorial debut.

Sey pa ni Xian, hindi raw siya napikon sa mga punang nakarating sa kanya tungkol sa nasabing pelikula.

“I’m just very happy to be given a chance sa Cinemalaya. Film naman is subjective. Merong nagkakagusto, meron ding hindi. Same with an artist, you can’t expect everyone to love your work. But it’s really about being true to your vision,” aniya.

Kahit may mga negatibong rebyu ang kanyang pelikulang idinirek, hindi raw rason iyon para ma-discourage siya sa pagdidirehe.

Katunayan, gusto na rin daw niyang karerin ang pagdidirek dahil may mga nakalatag na siyang materyal para gawin.

Aminado rin siyang gusto rin niyang idirek ang kanyang nobyang si Kim Chiu sa hinaharap subalit naghahanap pa lang siya ng tamang materyal.

Tungkol naman sa sigalot umano nila ng award-winning director na si Sigrid Andrea Bernardo na director niya sa “Untrue”, hindi niya ikinaila na nagkaroon sila ng creative differences nito habang ginagawa ang “Untrue” sa Georgia.

“I think it’s normal sa isang director and actor to have differences.
It’s just normal. The director has her vision and the actor has his understanding of the material and it’s their job na ‘magbarilan’ and meet somewhere in between,” paliwanag niya.

Idinenay din niyang ang pagmamaru­nong niya ang dahilan ng naging alitan nila ng magaling na director ng box-office hit na “Kita Kita”.

Sey pa niya, malaki raw ang respeto nito kay Direk Sigrid at given the chance ay gusto pa rin niya itong makatrabaho in the future kung tamang role para sa kanya.

“Hindi siya ganoon. It’s more of kung paano mo aatakihin ang role. Ang bigat kasi ng pelikula at kung papanoorin mo, doon mo siya maiintindihan,” pagwa­wakas niya.

Mapapanood na si Xian sa pelikulang “Untrue” na first time nakatambal si ­Cristine Reyes.

Pahabol pa niya, ito rin daw ang unang pagkakataon na gumanap siya ng isang dark character na maituturing niyang out of his comfort zone.