Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian never umiyak kay Kim

0 84

NI: VINIA VIVAR

Si Xian Lim ang kasama ni Kim Chiu habang dinadaanan niya ang malalaking intriga sa kanya nitong panahon ng pandemya partikular na nga ang “bawal lumabas” classroom statement niya kung saan ay katakot-takot na pangba-bash ang natanggap niya.

Matatandaan ngang isa si Xian sa mga nagtanggol kay Kim habang bina-bash siya nang bonggang-bongga noon.

Ayon kay Kim sa kanyang panayam kay Angeline Quinto for PadaLOVE Season 2, andiyan daw lagi ang boyfriend para makinig sa mga problema niya.

Related Posts

“Si Xian kasi lagi siyang nakikinig sa problema ko. Simula’t-simula palang. So para siyang sponge na nag-aabsorb ng sama ng loob kahit ilang oras kami magkausap. ‘Sige magsalita ka lang.’ Tapos after namin mag-usap, okay na ako,” sey ni Kim.

Dagdag pa ni Chinita Princess, hindi pa nga raw niya sinasabi ang problema kay Xian ay alam na agad nito na may dinadala siya.

“Tapos minsan ‘pag meron naman akong dinadala, sabi niya ‘Bakit parang naiiyak ka? Ano nangyari sa ‘yo?’ Kahit hindi ko sabihin sa kanya, alam niya na parang meron akong dinadamdam,” she said.

Tinanong ni Angeline kung may time ba na umiyak din si Xian at ayon sa aktres ay hindi raw iyakin ang boyfriend.

“Ay hindi siya iyakin. Never ko pa siyang nakitang umiyak,” ani Kim.

Leave A Reply

Your email address will not be published.