Abante Tonite Interactive

Xian suportado ang pakikipaglaplapan ni Kim

654
tonite-imo-vinia-vivar
Ayon kay Kim Chiu, alam naman daw ng boyfriend na si Xian Lim na may mga kissing scenes siya with Dennis Trillo and JC de Vera sa One Great Love pero hindi naman daw ‘yung tipong kinailangan pa niyang magpaalam.
“Pag trabaho naman, hindi namin ginagawa ‘yun, pero napagkukuwentuhan namin, katulad nu’ng gumawa siya ng Sin Island. After nu’n, naging open na siya,” sey ni Kim.
Wala naman daw problema sa kanilang dalawa pagdating sa mga ganu’ng bagay dahil alam nilang trabaho ito na kailangan nilang gawin.
Besides, hindi naman daw istriktong boyfriend si Xian at pinayuhan pa nga raw siyang galingan niya para sa ikagaganda ng movie.
Pero hirit niya, mas malala naman daw ang ginawa ni Xi sa Sin Island kaysa mga kissing scene niya sa One Great Love.
“Mas malala ‘yun. Ito, pang-Pasko lang ang datingan,” natatawang sabi ni Chinita Princess.
Showing na sa Dec. 25 ang One Great Love bilang isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2018 mula sa direksyon ni Eric Quizon under Regal Films.
***

Jericho may pagkukulang sa misis

Aminado si Jericho Rosales na nagkukulang siya ngayon ng oras sa kanyang misis na si Kim Jones dahil sa dami nga ng kanyang ginagawa lately. May teleserye siyang Halik ngayon na talaga namang napakakontrobersyal at mayroon din siyang Metro Manila Film Festival entry, ang The Girl in the Orange Dress kasama si Jessy Mendiola.
Kaya naman ang pagkakaroon ng baby ay wala pa raw talaga sa plano nila ngayon.
“Kulang nga ako sa time sa asawa ko, kulang ako sa time sa anak ko, ano pa ang ibibigay ko sa bagong bata, ‘di ba?” ani Echo.
As we all know ay may isa nang anak ang aktor sa dati niyang nakarelasyon, si Santino na teenager na ngayon.
“I think it’s just fair na kapag nakakuha ako ng break, I’ll spend it with my wife and my son, Santino, and my family and myself. But my job is too demanding, sad to say, hindi pa namin maabot ‘yung gusto naming maabot in terms of our dreams,” sabi pa ni Echo.
Four years na silang kasal at napag-usapan naman daw nila ni Kim ang bagay na ito and mutual naman daw ang desisyon nila na huwag munang mag-baby.
“Lalo na ako, kasi hindi pa ako handang maging ama ulit, eh,” natatawang sey ni Echo.
“Kasi, ang babae ang tatanggap ng bigat, eh. Siya ‘yung magsa-sacrifice, eh, siya ‘yung nasa bahay, ayoko rin nu’n. Parang ngayon nga, wala na akong oras sa aso ko, nagi-guilty na ako, eh,” sabi pa ng aktor.
Tulad ngayon, extended ang Halik until, March 2019 kaya naunsyami na naman daw ang naunang plano nila ni Kim na magbakasyon ng February.
Pero naiintindihan daw ng asawa dahil siyempre, work naman ito.
Samantala, isang sikat na artista ang role ni Echo sa The Girl in the Orange Dress at ayon sa aktor, si Sam Milby (na kasama niya sa Halik) ang kanyang peg dito.
“Ang isang motivation ko dito, si Sam Milby. ‘Di pa niya alam, eh. Siya ‘yung pinag-aaralan ko pag nandu’n ako sa set. Kasi medyo Inglesero, ‘di ba (ang karakter niya sa movie)? Inglesero si Sam, so nilagyan ko ng Sam Milby, Jericho Rosales saka a little bit of Rye del Rosario (pangalan ng karakter niya), parang ganu’n.
“So, ganu’n siya. Hindi niya (Sam) alam ‘yun. Ngayon alam na niya,” natatawang sabi pa ni Echo.
Showing na sa Dec. 25 ang The Girl in the Orange Dress mula sa direksyon ni Jay Abella.