Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian tengga kay Jennylyn

0 314

Ang maselan na pagbubuntis ni Jennylyn Mercado ang dahilan kaya kaya natigil ang taping ng Love. Die.Repeat .

Dahil dito, tengga na ang teleserye ni Xian Lim sa Kapuso network na kapareha ang aktres.

May mga tsikang bibigyan daw naman ng kapalit na proyekto ang Chinito actor habang hinihintay na makapanganak si Jennylyn.

Pero, ano itong Tweet ng isang birdie, na hindi raw prayoridad ng GMA-7 si Xian dahil hindi naman ito homegrown talent ng nasabing network?

SM food to go Banner Ad

Katunayan,marami pa rin daw Kapuso talents ang abangers sa projects na ibibigay sa kanila ng GMA Artist Center.

Ang proyekto raw kasi ni Xian sa GMA ay deal lang with Viva na siyang namamahala ng career ng actor.

May mga tsika namang baka raw mauna pa ang balik-tambalan ng KimXi bago pa maipalabas ang serye nila ni Jen.

May kibitzers ding nagsasabi na malamang ay palitan ang titulo nito .Marami ang nanenegahan dahil sa mga salitang die at repeat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.