Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian tinawag na bakla, laos, mayabang

0 516

NI: VINIA VIVAR

Sa kanyang latest YouTube vlog ay in-address ni Xian Lim ang mga mean tweets ng mga netizen tungkol sa kanya.

Unang binasa at sinagot ni Xian ay ang komentong “minsan gwapo, minsan mayabang.”

Pabiro niyang sey, “ganyan talaga, ganyan talaga tayong mga guwapo, eh” sabay-tawa.

Seriously, ani Xian, parati raw talagang sinasabi ng mga tao na mukha siyang mayabang.

“Alam mo, lagi kong naririnig ‘yun tungkol sa ‘kin. Lagi kong naririnig na sinasabi sa akin ng mga tao na mukha akong mayabang. Mukha lang,” aniya.

Dagdag pa niya, “feeling ko, ‘yung mukha ko lang ‘yung nagbibigay ng impression na mayabang, pero baka mukha ko lang naman, o ‘yung aura ko.”

Paliwanag pa niya, introvert daw kasi siyang tao at bihirang lumabas kaya siguro napagkakamalan siyang mayabang at hindi namamansin.

Sinagot din niya ang bintang sa kanya na unprofessional at ungentleman.

SM food to go Banner Ad

“Professional naman ako. Gentleman naman. ‘Yung mayabang lang talaga ‘yung di ko ma-gets, eh. Bahala ka sa buhay mo!” sey niya sabay-tawa.

Next comment na binasa niya ay bakla siya, laos at manggagamit.

He explained, “I think, lahat ng artista na lalaki, at one point in their duration ng pag-aartista, matatawag kang bakla. So, I think, coming in as a leading man or as an actor, medyo in-expect ko na, na matatawag kaming lahat na bakla. Halos lahat naman.

“Mag-isip ka ng isang artista, at one point, sasabihin nila, ‘bakla ‘yan, eh.”

Sa “laos” comment, reaksyon na lang niya, “well, that’s life.”

May nagkomento rin na baduy ang acting niya at sagot ng aktor, “baka nga baduy ang acting ko. Well, ganu’n talaga, you can’t really please everyone. But art is subjective, so bahala ka sa buhay mo. Eh di ‘wag kang manood.”

Sa bandang huli ay nagbigay ng mensahe si Xian sa lahat ng bashers.

“You don’t know my phone number, you don’t know how to confront me, you don’t know how to ask me any personal questions or whatever. Hindi tayo close.

“So, ibig sabihin, pag hindi tayo close, medyo wala kayo sa boundaries na husgahan ako.

“Kung ano ‘yung napapanood n’yo sa TV, kung ano ‘yung sinasabi ng news, kung ano ‘yung sinasabi ng write-up, maybe give it the benefit of the doubt, maybe hindi siya totoo, maybe totoo siya, pero hindi ako kung ano ‘yung iniisip n’yo,” he said.

Leave A Reply

Your email address will not be published.