Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian trying hard magdirek

0 116

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos ng kanyang directorial debut na “Tabon” sa Cinemalaya 2019, hindi maganda ang naging review ng nasabing pelikula sa mga kritiko at iba pang cinephiles.

Katunayan, halos mawasak ang actor sa pambabatikos at pang-ookray ng kanyang pelikula na hindi nagustuhan ng publiko.

Ngayon naman, balik sa pagdidirek si Xian sa kabila ang mga puna na natanggap niya sa unang pelikulang idinirehe.

SM food to go Banner Ad

Si Xian ang magdidirek ng kauna-unahang puppetry series sa bansa na may titulong “MALA” (Movies Adapted from Literary Arts) sa pakikipagtulungan ng CCP.

Ani Xian, honored siya na makasama sa isang malaking produksyon kung saan muling bubuhayin ang mga klasikong kuwentong minahal na ng mga Pinoy tulad ng “Ibong Adarna” at “Florante at Laura.”

Nakatanggap ng congratulatory messages si Xian sa kanyang followers .Wish nila na magtuloy-tuloy na ang directorial career nito.

Hirit ng kanyang basher trying hard daw itong magdirek.

Sey naman ng ilang natsakahan sa kanyang first directorial assignment, sana raw ay makabawi na ang actor sa bad reviews .Sana ay patuloy itong magpursige at huwag ma-discourage sa paggawa ng pelikula sa kabila ng batikos nito sa mga idinidireheng proyekto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.