Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian type ibili ng farm si Kim

0 156

Ikinuwento ni Xian Lim sa kanyang vlog ang balak niyang mag-farm hunting.

Bet kasi niyang bumili ng lupain na puwedeng pagtamnan ng crops sa area ng Tanay.

Ito raw ang napili niyang lugar dahil malapit at accessible sa Metro Manila.

Sa kanyang paghahanda, alas kuwatro pa lang ng umaga ay gumising na siya para sa kanyang farm hunting.

Aniya, mas mabuti na raw ang maaga para iwas-traffic. Iwas-aksidente na rin dahil kokonti lang ang mga motorista.

Natuwa naman ang kanyang mga faney dahil this early ay pinaghahandaan na umano niya ang future nila ni Kim.

Anila, bet daw ibili ng actor ang kanyang future Mrs.Lim ng farm.

Bago tumulak sa prospect, nag-breakfast muna si Xian sa Baras.

Kaso along the way, nadiskaril ang kanyang plano dahil sa mahigpit na checkpoint na ipinatutupad sa Marilaque na kanyang destinasyon.

Walang choice si Xian kundi huwag nang ituloy ang kanyang trip.

Gayunpaman, nag-wish naman ang kanyang followers na sana sa next out-of-town adventure nito ay kasama na si Kim.

Megan inoperahan sa appendix

Sa kanyang Instagram, ipinost ng Ms. World 2013 na si Megan Young ang kanyang sexy photo .Ibinida niya ang kanyang whistlebait figure habang nakasuot ng baby blue swimsuit.

Pero, hindi naman nakaligtas ang kanyang litrato sa mapanuring mga mata ng isang netizen na nagngangalang imenitsirk na nagkomentong “What’s that – 🤔”

Ani Megan: “@imenitsirk it’s my scar from when I had an appendectomy!”

Kinumpirma naman ni Megan na sumailalim siya sa operasyon sa appendix.

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa mga netizen.

“Love the hashtag! 👏 Balakang is life! 😂”

“@meganbata napansin ko rin po . Same scar ko pero Hindi sa middle ng puson. Gamedyo sa rightside pa.”

“Love the balakang and the morena you!”

“You’re confidently beautiful even with that scar. I love it! #LoveYourself”

“Jessica Alba vibes 🤙🏼”

Leave A Reply

Your email address will not be published.