Abante Tonite Interactive

Xian, type nina Catriona at Michele

By
4,039

ANG currently crowned Binibi­ning Pilipinas beauties, may mga bet na bet palang mga artistang lalaki, huh! Kahit pa nga halos lahat sila ay may mga kasintahan na, may mga showbiz actor, na kung papalarin silang makapasok sa entertainment industry bilang artista, ay nais silang mga maging kapareha.

Sa panayam kina Bb. Pilipinas Globe Michele Gumabao at Ms. Universe Philippines Catriona Gray, ang leading man of choice ay si Xian Lim.

Bakit si Lim? Para sa reigning title holders, ang best asset ni Xian ay, ‘matangkad’ ito. Naman! Kakatuwa naman na ang aking hubby Xi, pati mga kagandahang reyna, pinipili na siya.

Malaking bagay talaga para kay Xian na pinag-agawan siya nina Coleen Garcia at Millennial Bomba Queen Nathalie Hart, huh. Dahil sa guilty pleasure na pelikula, nadagdagan ang machismo point at nakakalibog factor ni Xian. Noong ang ba­baing tuod kasi ang palagi niyang kapareha, bored to death na ang ba­lana at madlang pipol sa kanyang fashion forward at high profile packaging.

Puwede siyang maging sensual, sexy at daring at sana nga, ngayong nasa bagong pamunuan na ang karera ni Lim, he finally says goodbye to his bland and too good to be true packaging.

Walang duda na ang boyfriend of 2 years ni Gumabao na si Aldo Panlilio ay katangkaran rin. Male super model at part time actor naman ang minamahal ni Catriona, ang mighty, beefy and yummy na si Clint Bondad.

Pasok naman sa pihi­kang panlasa ni Bb. Pilipinas Grand International Eva Patalinjug si Coco Mar­tin bilang future lea­ding­ man kasi good actor ang description niya kay Martin. Isa pang dramatic actor, si Jericho Rosales, ang dasal naman ni Ma. Ahtisa Manalo, Bb. Pilipinas International na ma­ging kapareha.

Parehong super Pinoy looking ang bet nina Eva at Ahtisa. Brown is handsome indeed para sa mga magagandang binibini.

Si Bb. Supranational Jehza Huela, go for gold sa tisoy. Si Ian Veneracion ang dream leading man niya kasi, “Hindi nagsasawang tignan ang kaguapuhan niya.” May kakikayan rin si Bb. Jehaza, may emote na ‘super in love’ kay Veneracion.

Kung sabagay, hindi na­man nag-iisa si Huela na nagmamahal kay Ian. Ano na nga kaya ang pinagkakaabalahan nito sa kasalukuyan? Matapos magwaging best actor sa international film festival, wala pang balita kung ano ang susunod nitong drama sa telebisyon. Matutuloy kaya ang sinasabing pelikula nila ni Jodi Sta. Maria?

Si Bb. Pilipinas Intercontinental Karen Gallman, walang sinabing artistang lalaki na may crush means paghanga siya at bet maging katambal sa nasabing panayam. Baka naman hindi bet ni Bb. Karen ang mag-artista o maaa­ring mas type niya ang foreign actor ang makapareha. May ambisyong maging intercontinental starlet, ganu’n?

Good luck sa mga bibang-biba at magagandang Binibining Pilipinas queens. Nawa’y maiuwi niyo ang mga korona at kung magbubukas nga ang showbiz pintuan para sa inyo, magkatotoo ang inyong wishes.