Abante Tonite Interactive

Xian umapela sa upak ng mga Jadine, Kimxi fan

By
5,847

Bagong lalaki ni Nadine Lustre si Xian Lim para sa pelikulang ‘Ulan’.

Okey lang kay Nadine ang paghihiwalay nila ni James Reid. Dito raw mapapatu­nayan kung kaya niyang mawala ang boyfriend/partner sa isang proyekto.

Samantala, may apela agad si Xian sa mga tagahanga ng JaDine (James Reid at Nadine), pati sa KimXi (Kim Chiu at Xian) na umupak at nagnega sa bagong tambalan.

“Hey guys! It’s always a great opportunity and experience to work with other people. In the end, we just want to be able to give you guys a great film/project you all can enjoy positive vibes lang.

“No need to bash guys! Happy vibes lang. Sa pelikula na tayo humugot! As actors, we’re vessel­s to the characters we portray­. Hawak kamay lang lahat and let the writers and director do their magic.”

Makakasama rin nina Nadine at Xian sina Marco Gumabao at AJ Muhlach.

Ito ang pa­ngalawang pelikula ni Xian sa Viva Films. Isa rin siya sa leading men ni Sarah Geronimo sa pelikulang ‘Miss Granny’.