Abante Tonite Interactive

Xian walang balak pakasalan si Kim

859

Wala pang balak si Xian Lim na pakasalan ang kanyang long time at kasintahang si Kim Chiu.

Ang “Untrue” lead actor, inamin ang katotohanan na iyan matapos siyang tanu­ngin ni Boy Abunda sa late night showbiz program na “Tonight with Boy Abunda”. May paliwanag siya tungkol sa sinipi niyang hindi pa mangyayari ba pakasalan ang kanyang reel and real kapareha sa buhay.

Ang paliwanag ni Alexander: “To be very honest, ang feeling ko ang bata ko pa para don… I have so much responsibilities to do and there are so many things I want to accomplish. And as a man there are so many insecurities I still have to overcome before jumping into that big step.”

Si Abunda pa nga ang nagklaro at nag-qualify na hindi pinal na pangungusap ang sinasambit ni Lim kundi hindi pa sa ngayon, bukas o sa malapit na malapit na hinaharap magyayari ang kanilang pag-iisang dibdib ni Kim.

Ano kaya ang damdamin ni Kim tungkol sa pahayag na ito ni Xian?

Napangiti kaya niya matapos marinig na pakiwari ni Xian eh “bata” pa siya ga­yong kahit saan anggulo tingnan alam mong may kakayahan na itong makabuo at gumawa ng baby? Napangiwi kaya ang Chinita Princess sa pagtatapat ni Lim na bilang lalaki, marami pa siyang insecurities na dapat i-conquer? Naging teary eyed kaya si Chui matapos malaman na mas marami pang ibang priorities ang kanyang iniirog at least of his priorities ang magpa­kasal in the nearest future?

Sa true lang, hindi ba telling sign na ito na mahaba-habang pag-aantay pa ang gagawin ni Kim? Eh paano kung mapagod ang kanyang puso sa kakaantay sa walang hanggan?

Ang isa pang sure na sure kay Xian, kasali siya sa isang group exhibit sa kasalukuyang Art Fair Philippines. May visual arts work si Lim on display and for sale na maa­ring matunghayan sa nasabing payanig.

***
AshMatt March 25 ang kasal sa Italy

How true kaya ang chika na March 25, at hindi sa March 14 ang kasalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ?

Ang isa pang how true, totoo nga bang ibi­nigay na ni Sarah ang lahat ng kanyang mga “kayamanan” sa kanyang pamilya para lamang malaya niyang masunod ang kanyang puso?

Ang daming mga kung ano-anong tanong, haka-haka at espekulasyon tungkol sa pag-iisang dibdib na ito, huh! Basta ang sigurado, kung sila ay ikinasal kahapon, hindi puwedeng ikaila na ang lahat kinikilig at nagbubunyi sa kanilang new forever at happily ever after.

Mabuhay ang bagong kasal! Mabuhay sina Mr. Gianmatteo Vittorio Guidicelli at Mrs. Sarah Asher Geronimo-Guidicelli. Go forth and multiply na kayo.