Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian willing tumakbong yorme

0 105

ROMMEL PLACENTE: Si Xian Lim ang gumaganap bilang si Manila Mayor Isko Moreno sa pagsasalin ng life story nito sa pelikula, mula sa pagiging basurero hanggang maging isang mayor. Kaya naman sa isang interview ni Xian mga ka-Cuatros, tinanong siya kung gaya ni Yorme ay gusto rin ba niyang maging isang mayor

Sagot niya, “Sana! Kung mabibigyan ng pagkakataon,di ba? Ang saya po nu’n.”

Open naman daw kasi ang binata na pasukin ang politika.

“Of course! I think to be an inspiration to many,to be able to creat change. Yung pagbabago,di ba? I think,if there’s anything na napulot ko rito sa proyektong ito is the ability to inspire and change.”

Sa balitang tatakbo sa mas mataas na posisyon si Yorme sa susunod na eleksyon,aware ba siya na na baka magamit lang daw ni Yorme sa kanyang political plan ang kanilang pelikula?

“Actually ako po,coming in this project, as an actor lang po talaga.Hindi ko po iniisip ‘yung mga ganung bagay. Para sa akin po, nandito lang po ako sa ganda ng proyekto.and to inspire people na makakapanood nito.Dahil yun ang kailangan natin sa panahon ngayon,eh,” pakli pa niya.

MILDRED A. BACUD: Nakakatuwa naman na pagkatapos ng matagal na pagkatengga ng showbiz dahil sa pandemya, ramdam na unti – unti ng bumabalik ang sigla ng movie industry. Nagsisimula na ang shooting kasama na pelikula ng life story ni Mayor Isko Moreno na gagampanan ni Xian Lim.

Marami nga raw natutunan ang aktor sa pagganap sa buhay ni Yorme. Willing din siyang sumabak sa politika.

Maraming artista na rin ang pinapasok ang mundong ito. Baka makatulong din ang pagganap niya bilang si Yorme Isko para ma-inspire siyang subukan ito.

Kung sakali man, malaki ang tyansa niyang manalo dahil tiyak susuportahan siya ng nobyang si Kim Chiu bukod pa sa mga kaibigang artista rin.

RODEL FERNANDO: Kakaiba ang gagawin ngayon ni Xian dahil musical ang pelikula tungkol sa life story ni Mayor Isko Moreno.

Of course may pagkamahirap din ito dahil habang kumakanta ka ay umaarte ka rin. At dahil original ang mga kantang gagamitin ay aaralin mo lahat ito para ma-perfect.

Mukha namang ready si Xian dahil kumakanta naman talaga siya. Isa pa, sigurado namang tututukan siya ni Direk Joven Tan. At ang nakatutuwa pa ay nag-research na siya at pinag-aaralan ang dapat gawin. Harinawa’y mabigyang buhay ng binata ang pagsasapelikula ng buhay ng magiting na mayor ng Maynila.

DYOWA NI KIM AYAW MAGSUOT NG PUTING BRIEF

ROLDAN CASTRO: Magkakaroon ng comparison sa performance nina McCoy de Leon at Xian. Si McCoy ay gaganap na young yorme na sinasabi nilang mahusay at nakakaiyak ang performance.

Si Xian naman ay nu’ng nagka-edad na si Yorme.

Bukas na aklat ang pagpapaseksi noon ni Isko sa Seiko Films. May mga pose siyang briefs lang ang suot sa pictorial. Ginamit at kinalat pa nga ito nu’ng eleksyon para siraan siya ng kalaban.

Hindi raw kinaya ni Xian na magsuot ng puting brief sa eksena. Tumanggi raw na gawin ito. Kaya, bigo ang mga nagpapantasya na makitang seksi ang suot ng aktor.

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.