Abante Tonite Interactive

Xyriel Manabat na-dengue

0 556

Na-dengue ang dating child star na si Xyriel Manabat at kasalukuyan siyang naka-confine sa isang ospital habang mino-monitor ang kanyang platelet count.

Si Xyriel ay isa nang dalaga ngayon at nag-celebrate ng kanyang 15th birthday noong Pebrero.

Si Xyriel ay produkto ng isang kiddie talent show na “Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol” kung saan nanalo siya bilang 3rd runner-up sa talent competition.

Nakilala siya sa mga teleseryeng “Momay”, “Agua Bendita”, “Noah”, “100 Days to Heaven” at “Hawak Kamay”. (Archie Liao)