Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yadao gold uli sa NCAA

0 61

Dinale ni Krizelle Therese Yadao ng College of Saint Benilde ang pangalawang gold medal sa 96th National Collegiate Athletic Association 2021 virtual taekwondo nang mamayagpag din sa speed senior women’s flyweight Huwebes.

Umiskor siya ng 7.175 points para hakbangan ang limang karibal na kinabibilangan nina silver-bronze winners Maria Laney Kaye Panahon ng San Beda University (6.667) at Twinkle Angela Bokingkito ng San Sebastian College (6.325).

Unang kumopo ng gold si Yadao sa taekwondo poomsae freestyle. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.