Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yakman nilikida ng binobosohan sa bintana

0 60

Utas ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isang babaeng nagi­sing sa pagkatulog sa Houston, USA.

Ayon sa ulat, nasawi ang isa umanong ‘Peeping Tom’ o isang lala­king nagkakaroon ng sexual pleasure sa pamamagitan ng panonood nang palihim sa mga babae.

Anang biktima, natakot siya nang makita niya ang lalaki na nakadu­ngaw sa kanyang bintana bandang alas-11:00 ng gabi nitong Biyernes.

Dahil dito, dali-daling kinuha ng babae ang kanyang riple at pinaputukan ang manyak bilang self-defense.

Ayon sa pulisya, nadale ang lalaki sa itaas na bahagi ng katawan nito dahilan para ito ay masawi.

Kasalukuyang pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang naturang insidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.