Abante Tonite Interactive

Yam binato ng bakal si Sam

756

Bagama’t magtatapos na ang seryeng “Halik,” dumating pala sa point na totoong nagkapikunan sina Sam Milby at Yam Concepcion.

May eksena sila na nag-aaway at may konting pisikalan pero nauwi sa totohanan. Nadala raw sila sa eksena.

Ayon sa panayam kay Sam sa Push Bets Live:

“Actually, yes. Kami ni Yam, du’n sa isang eksena nag-aaway kami sa kotse, tapos mayroon siyang tinapon na tissue sa mukha ko. Kinuha ko ‘yung tissue tinapon ko rin sa kanya. E, kasi nagda-drive ako, natamaan ko ‘yung labi niya, nasaktan siya. So, napikon siya. Kinuha niya ‘yung purse niya na parang may bakal na strap. Binato sa mukha ko, ang lakas, so napikon din ako,” kuwento ni Sam.

Nag-sorry naman sila sa isa’t isa nang mahimasmasan sila at nang matapos ang naturang eksena. (Roldan Castro)