Abante Tonite Interactive

Yam gustong makahalikan si Coco

By
3,735

Marami na ring nakahalikang leading men sa pelikula at telebisyon ang Viva talent na si Yam Concepcion.

Pero para sa kanya, memorable ang kissing scene niya kay Echo.

“Iyong love scene namin ni Echo, minsan pa lang nangyari pero masyadong in character at ang galing-galing niya. Maniniwala ka talaga na totoo siya,” hirit niya.

Gayunpaman, kung mayroon daw siyang pinapantasyang makahalikan, ito raw ay ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin.

“Si Coco Martin, hindi ko pa siya nakaka-kissing scene,” pakli niya.

Nagkaroon daw siya ng pagkakataong makatrabaho si Coco nang mag-guest siya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ pero nanghihinayang siyang wala silang naging intimate scene ng actor.

“Siyempre naman, wala iyon sa iskrip, pero okey na ako kasi may bago akong teleserye,” sey niya.

Isa si Yam sa mga bida ng ‘Halik’ ang naglalagablab na teleserye ng ABS-CBN under the unit of Ruel S. Bayani.

Feeling ni Yam, ibang level na rin ang ginagawa niyang pagpapaseksi noon kumpara noong i-launch siya sa ‘Rigodon’.

“First movie ko kasi noon, so hindi ko pa masyadong alam ang ginagawa ko. Unlike ngayon, naa-appreciate ko na pati iyong pagpapaseksi. Kasi there’s more depth to it,” aniya.

Happy si Yam sa kanyang long distance relationship sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Miguel Cunjieng.

Kahit wala raw silang physical contact, constant daw naman ang communication nila sa Whatsapp.