Abante Tonite Interactive

Yam mami-miss ang sampalan sa ‘Halik’

377

Hindi napigilang maging emosyonal ni Yam Concepcion sa finale presscon kahapon ng ‘Halik’ para sa nalalapit na pagtatapos ng serye. Natanong kasi ang buong cast kung ano ang unforgettable scene nila sa nasabing drama series at napaiyak ang aktres habang nagre-recall.

“Ako, marami,” si­mula ni Yam. “Sobrang-sobrang marami. Noong nagsisimula pa lang kami, ‘yung pinaka-first scene namin ni Echo na break-up scene agad, never ko pa siyang nakakausap, wala pang bonding whatsoever, kinakabahan pa ako, sobrang intimidated ako sa kanya.

“Sabi ko, ‘My God, paano ko ba magagawa ‘to?’ So, parang ‘di ba, ang bigat na kaagad? And of course, nu’ng tiningnan ko sa kanyang mga mata, parang there was this instant connection that helped me deliver my lines and magawa ‘yung scene na nag-work.

“All the more na mas lalo ko siyang nakilala, mas naging comfortable na ako sa kanya and he really helped me a lot especially sa lahat ng mga eksena ko, kasi minsan, I also doubt myself. Magagawa ko kaya ‘to? Kasi ang dami pang eksenang hindi ko nagagawa and never ko pang na-experience ang mga ganu’ng scene.

“And I don’t know, tiwala lang siguro na parang you just let go,” sabi ni Yam na at this point at nagsisimula nang mapaiyak.

Patuloy niyang umiiyak na nga, “you just let go tapos, magugulat ka na lang, nagawa mo na pala.”

Sobrang grateful din daw niya na nakilala niya si direk Cathy Camarillo na siyang isa sa direktor ng soap.

“Kasi, isang tingin lang namin sa isa’t isa, bigla na lang nag-iiyakan na kaming dalawa. Parang there’s this connection and parang na-build ‘yung… there’s something special between the two of us, not romantic ha,” sabay tawa.

Napakarami raw niyang mami-miss ngayong magtatapos na ang serye. Mami-miss daw niya ang lahat ng cast, ang pagdadala ng food ni Amy Austria, ang mga sampalan scene, pati na rin ang pamba-bash sa kanya ng mga tao bilang Jade na nang-agaw ng asawa.

“Feeling ko, ako ‘yung pinakamaraming nakukuhang bashers, mga bashings. Thank you.

“Yung mga bash na ‘yun, minsan, it hurts me especially in the beginning, nahe-hurt ako, kasi tao lang ako, but alam n’yo, parang after a while, masasanay ka na lang na parang matatawa ka na lang sa kanila,” aniya.
At para hindi masaktan, ang naging approach daw niya sa mga basher ay ginawa niya itong reminder about her victories more than defeats.

Isa pang memorable raw for her ay ang mga friendship na nabuo sa kanila at sey nga niya, akala raw niya ay wala siyang makikitang tunay na kaibigan sa showbiz.

Pero natagpuan daw niya rito sa ‘Halik’.

Mami-miss din daw niya of course, si Jericho at umiyak na naman siyang muli’t nagpasa­lamat sa unit ni Ruel S. Bayani sa pagbibigay sa kanya ng seryeng ito.

Samantala, huling dalawang linggo na ang ‘Halik’ na talaga namang na­ging napakainit ng pagtanggap ng mga manonood.

Isa ito sa most-talked about teleseryes in 2018 at halos gabi-gabi ay trending sa social media ang episode.

Bukod sa most-watched show din sa iWant ang ‘Halik’, umabot na rin sa Africa ang kuwento nina Lino (Echo), Jade, Jacky (Yen Santos), at Ace (Sam Milby) dahil napapanood na rin ang serye sa Tanzania mula noong Pebrero.