Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yam minura si JM

0 2,087


Sa online interview sa cast ng “Init Sa Magdamag”, ibinahagi ni Yam Concepcion ang naging karanasan niya sa pakikipagtrabaho kina Gerald Anderson at JM De Guzman.

Aniya, marami raw siyang natutunan sa dalawang co-actors.

Katunayan, mas nakilala raw niya ang kanyang leading men on a deeper level.

Bumilib daw siya sa passion at dedication ni Gerald sa trabaho.

Sa set daw ay handa na ito at may guide na sinusunod para hindi makalimutan ang kanyang dayalogo.

Sa kaso naman ni JM, iiisipin mong cool daw ito at hindi preparado, pero pag gumiling na raw ang kamera ay mamamangha ka sa galing nito sa pag-arte.

Sey pa niya, sobrang natural at effortless daw nitong umarte.

“Makikita mo yun talaga yung gusto niyang gawin. Acting talaga is really for him. I think pinanganak siya as an actor talaga,” ani Yam.

Sa kulitan naman sa live interview, hindi naman napigilang murahin ni Yam ng “Pakyu” si JM.

Dahil dito, napa-react ang isa sa mga host ng show na si DJ Jhaiho at pinaalalahanan si Yam.

“Hoy! Live tayo Yam! All over the world mapapanood tayo!”paalala ni DJ.

May ilang kibitzers ding nag-react kung ano raw kaya ang atraso ni JM at namura ito ni Yam.

Naging usap-usapan noon si Yam nang mag-viral ang pagsigaw niya sa isang video habang kinukunan ng nasal swab test.

Sina Yam at JM ay parehong musically inclined.

Isang drummer at ukelele player si Yam samantalang si JM ay magaling mag-gitara.

SM food to go Banner Ad

@@@

Enchong hubad natulog sa kuwarto ni Angeline

Dati nang ibinuking noon ni Vice Ganda na naabutan niya si Arron Villaflor sa bahay ni Angeline Quinto.

Kamakailan naman sa kanyang vlog, nasorpresa ang singer-actress nang matagpuan niya si Enchong Dee na natutulog sa kanyang bedroom.

Ang siste, medyo na-shock pa raw kuno si Angeline nang makitang hubad si Enchong.

Sey ni Angeline, parang hindi siya handang makita ang kahubdan ni Enchong habang mega hawak sa abs nito.

Biro naman ni Enchong, brief lang daw ang baon niya sa pasorpresang dalaw niya kay Angeline.

Hirit naman ni Angeline, panty lang daw niya ang katapat nito.

Kalaunan, ibinuking ni Angeline na sadyang inimbitahan niya ang aktor para tulungan siyang mag-impake ng kanyang mga gamit.

Ani Angeline, babalik na raw siya sa dating bahay nila sa Sampaloc.

Napakalaki raw ng kasalukuyang bahay niya at hindi naman niya ito matitirhan lalo na’t wala na ang kanyang Mama Bab.

Sa kanyang closet, nagpatulong din siya kay Enchong na mamili ng mga gamit na balak niyang i-dispose at ibenta online.

Sina Angelina at Enchong ay naging close nang maging love team sila sa pelikulang Four Sisters and a Wedding.

Sa ngayon, magkasama sila sa inspirational TV series na Huwag Kang Mangamba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.