Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yam pakakasal na

0 105

Ngayong katapusan ng Hulyo na ikakasal si Yam Concepcion sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Miguel Cuunjieng.

Sa kasalukuyan ay abalang-abala sila sa paghahanda para sa wedding na gaganapin sa New York.

“Since nandito tayo sa US ikaw lahat magpa-plan nun. Wala akong tagatulong [in] planning all these things. Hindi naman siya grand celebration, we just want it very simple and very intimate. Ako lahat. Stressful pala siya talaga,” ani Yam sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN.

Balitang intimate din daw ang magiging kasal na dadaluhan lang ng pamilya at US-based relatives at mga kaibigan sa New York.

Matagal na rin ang relasyon ni Yam at ng fiancé and for many years ay LDR (long distance relationship) ang set-up nila. Six years na ang kanilang relasyon before they got engaged in December, 2018.

@@@

Vice pumalag na masamang halimbawa sa mga Kristiyano

Nakatikim ang isang basher kay Vice Ganda na nagsabing bad example siya sa mga Kristiyano.

Tweet ng basher, “Vice ganda and Bhong Navarro were not careful and were bad examples to this Christian nation. This is my censure for them.”

Hindi nilinaw ng netizen kung ano ang tinutukoy niyang insidente kung bakit niya ito nasabi.

Nabasa naman kaagad ni Vice Ganda ang tweet at agad din siyang sumagot. Ganting sagot niya sa basher, ito raw ang bad example dahil sa maling spelling nito.

“And you were not careful with your spelling! It’s Vhong not Bhong! And people’s names are proper nouns therefore should be capitalized. It should be Vice Ganda not Vice ganda. You’re a bad example to the Christian nation,” sagot ni Vice.

Sinuportahan naman si Vice ng kanyang fans at komento nga ng isa, “mas ok nga sila kc May ambag ..sa lipunan..nakaka good vibes nga sila sa showtime..”

SM SuperKidsDay Banner Ad

@@@

Angel tigil muna sa showbiz

Tigil na muna sa showbiz si Angel Locsin dahil ang mas priority niya ngayon ay ang paglagay sa tahimik at pagbuo ng pamilya. As we all know ay malapit nang ikasal ang aktres sa businessman/producer na si Neil Arce.

“Ngayon talaga, lie-low talaga ako. Hindi ko masabing stop kasi bilang isang artist, hahanap-hanapin mo rin talaga, eh. Pero sa ngayon magla-lie low muna ako, tapusin ko muna ang ibang commitments ko,” ani Angel sa interbyu niya sa podcast ni Matteo Guidicelli last Friday.

“Gusto ko lang talagang damdamin at i-absorb lahat kung paano mag-prepare sa isang married life. Parang hindi pala siya ganu’n kadali. Hindi siya ‘yung parang maglilipag ka lang ng condo, tapos na. Marami ka pala dapat i-consider talaga.

“’Yun ‘yung sa ‘kin. Kung anuman ang ibigay sa akin ng Diyos, go, tatanggapin ko. Basta kasama ko lang si Neil, okay ako,” sey niya.

Of course, mami-miss din daw niya ang pag-arte pero sa ngayon daw ay masaya siya sa kanyang ginagawa at ito ay ang paghahanda bilang Mrs. Arce.

“I think, nasa okay na place ako ngayon. For the longest time kasi, ang iniisip ko kumita ng pera, breadwinner ka, eh, so ganu’n ang iniisip mo. Kumita ka ng pera, mag-ipon ka, ganyan, para ‘di ka mapagalitan, sige, ganu’n, gawin mo ‘yung sinasabi nila.

“Pero nakalimutan ko ‘yung sarili ko, eh. Ngayon, natututo ako pa’no gumawa ng budget ulit, alam mo ‘yung ganu’n. Parang siguro ako muna. Ayusin ko muna ‘yung sarili ko, ayusin ko muna ‘yung kasal ko, ayusin ko lahat,” aniya.

Pagbibiro pa ng aktres, “mag-aaral akong magluto para hindi naman ako isoli ng asawa ko sa tatay ko.”

Dagdag pa niya, “I want to improve myself.”

Sobrang excited na raw siya sa kanilang kasal this year at sa pagbuo ng pamilya at gusto na rin daw niyang magkaroon ng anak. Mga isa or dalawang anak lang daw ang kanilang plano kung pagbibigyan ng Panginoon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.