Abante Tonite Interactive

Yam pantasyang maikama ni Tonz

515

Aminado ang award-winning indie actor na si Tonz Are na bilib siya sa husay ni Yam Concepcion. Pinapanood niya raw ang Kapamilya aktres sa dating teleserye nitong “Halik”.

“Ang husay talaga ni Yam, ang galing niya sa TV series na ‘Halik’… Ang galing niya bilang kerida, eh. Plus, sumasabay siya talaga sa ac-ting-an kay Jericho (Rosales) na alam naman nating napakahusay na aktor,” sambit ni Tonz nang mag-guest siya sa online show ng Abante Tonite na “Tambayan ng Tsika”.

Pantasya niya bang maka-love scene si Yam balang araw? “Oo naman po, wala namang tatanggi sa ganda niya. Bukod nga sa magaling na aktres, ang sexy at ang ganda pa ni Yam.”

Sakali bang may offer na kailangan niyang magpa-sexy, game ba siya?
Tugon nito, “Okay lang naman po basta kailangan talaga sa role at okay ang project. Kasi, part lang naman po ito ng trabaho ko bilang actor. And isa po sa dream ko talaga kasi ay makapasok sa mainstream, eh.”

Incidentally, balik sa pagiging bida si Tonz sa pelikulang “Kid Kamao” at dito’y sumabak siya sa action. Ilan sa pelikulang nagbida si Tonz ay sa “Rendezvous”, “Maranhig”, “Init”, at iba pa.

“Itong ‘Kid Kamao’ ay isang action-drama movie na mula sa pamamahala ni Direk Niel Talavera. Ako po rito si Kid Kamao, showing po ito this July 19 sa TCM Mall Pasay, 4pm,” aniya pa.

Mapapanood rin si Tonz sa pelikulang “Hiro”. Ipalalabas na rin ito sa mga schools and selected cinemas sa August. Gumanap na rin siya sa “SOCO” ng ABS-CBN at sa “The 700 Club Asia” sa GMA-7. (Nonie Nicasio)