Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yam tinalbugan si Kim

0 219

NI: ALWIN IGNACIO

Marami nga ba ang naalibadbaran sa pagmamaganda ni Yam Concepcion? Ang aktres kasi na kasali sa patapos ng “Love Thy Woman,” ang pag-iinarte, superstar leveling.

Ayaw raw nitong tumanggap ng kahit na anong TV offers at ang tanging bet nito ay magpaka-loyal sa Kapamilya Online channel.

Siksik, liglig at umaapaw na siguro ang datung sa kaban nitong si Concepcion kaya afford niyang may say no sa offers. May alok ba talaga o feelingera lang siyang may offer at kaya kunyari ayaw sa una para lang mas tumaas pa ang talent fee? Yung totoo.’

Wala namang masama kung gusto mong magsumiksik sa network that made you from a starlet at naging bida/kontrabida. Panalo nga naman ang exposure at pag-iimpakta mo sa “Halik” .

Siyempre pa, hirap na hirap talaga si Kim Chiu na makasabay sa galing mo. Super under acting ka na nga sa lahat ng confrontation scenes niyo ni Kimmy pero sorry na lang ang bawal lumabas girl, kabog mo talaga siya ning.

Kaya, kung feeling mo pribelihiyo mo ang magsuplada Yam, go ahead. Karapatan mo iyan. Pero wag magsasalita ng tapos dahil alam mo naman sa showbizlandia, ang hindi madalas makita, madaling makalimutam amd before you know it, baka ikaw na at ang pamunuan mo ang maghahabol sa mga proyekto, huh!

Walang masama na i-spread ang wings at magkaro sa ibang bakuran kung panalo naman ang role at higit sa lahat kung talagang it will make you laugh your way to the bank.

Ngayon, dapat hindi na sarado ang iyong pag-iisip in working sa ibang istastyon. It is better to build bridges than burn them dahil sa mga kuda at eme mong you are a Kapamilya forever.

Saka, ang tunay na mahusay at magaling, kahit pa tumawid sa ka-Singko at ka-Siyete, mag-iiwan ng magandang impresyon at marka. Huwag pagdamot ang talent at estrella powers, ning. Sa true lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.