Abante Tonite Interactive

Yankees nabaon

5

Na-strike out ng 27 beses sa Houston, nabaon ang New York Yankees 0-2 sa playoffs.

“We’ve been facing some tough pitchers and some tough games,” komento ni rookie slugger Aaron Judge. “We’re just going to keep going out there and keep fighting.”

Mintis si New York catcher Gary Sanchez sa short-hop relay throw mula kay shortstop Didi Gregorius kaya ‘di na-charge si Jose Altuve pa-plate sa ilalim ng ninth inning, at naitakas ng Astros ang 2-1 win Sabado (Linggo sa Maynila) para sa 2-0 lead sa best-of-seven AL (American League) Championship Series.

Inamin ni Sanchez na nabitiwan niya ang bola sa play na gamay na naman niya.

Lipat ng Yankee Stadium ang Game 3 sa Lunes (Martes sa Maynila), starter ng New York si CC Sabathia laban kay Charlie Morton ng Astro.