Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yap, Belga, Nambatac may mga dinaramdam

0 151

Smart Clark Giga City – Krusyal sa Rain or Shine ang huling dalawang laro sa eliminations ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble.

Para makasiguro sa next round, kailangan manalo ang 5-4 Elasto Painters kontra TNT ngayon at Phoenix bukas.

Kaya lang, hindi sigurado kung makukumpleto ang hukbo ni coach Caloy Garcia sa huling nakalinyang back-to-back games.

Sa 82-71 win kontra Blackwater noong Linggo, hindi nakalaro si two-time MVP James Yap dahil sa calf injury.

Inabot din ng right ankle sprain si Rey Nambatac sa kaagahan ng second quarter, at na-injured pa si veteran big Beau Belga sa final 4 minutes ng laro.

Hindi pa masigurado kung gaano kalala ang injury nina Belga at Nambatac. Kukumpirmahin pa kung makakalaro si Yap.

Bago pumasok ng dugout ay may 14 points si Belga kabilang ang back-to-back 3s sa third bahagi ng 15-0 run na nagbigay sa Painters ng 53-35 lead.

Si Javee Mocon ang bumuhat sa Rain or Shine kontra Elite, nagpintura ng 19 points, 13 rebounds, 2 steals at 2 blocks. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.