Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wapakels sa COVID! Yap sinugod pamilya

0 140

Balik sa Italya si Philippine Basketbal Association (PBA) star James Carlos Yap Sr. ng Rain or Shine upang makapiling ang pamilya ngayong holiday season makaraan ang ilang buwang pagkakalayo.

Related Posts

Nasa Instagram post ng Elasto Painters guard nitong Lunes, na sinalubong siya ng isang “Welcome Papa” poster ng kanyang dalawang anak na sina MJ at Francesca at asawang si Michela.

Sa isang kahiwalay na post, family photo naman ang ibinahagi ng beteranong basketbolista at bumati rin ngayon kapaskuhan. Nanatili si Yap ng ilang buwan Clark, Angeles kaugnay ng katatapos na 45th PBA 2020 Philippine Cup. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.