Abante Tonite Interactive

Yap curious sa ‘laki’ ni Jordan

0 359

SA ‘The Last Dance’ documentary ay nabunyag ang karamihan ng misteryo sa likod ni Michael Jordan, ngunit may isa pang gustong malaman si PBA star James Yap.

Sa Inquirer column ni Dolly Anne Carvajal nitong Sabado, kanyang naintriga si Yap kung ano ang itatanong ng two-time PBA MVP kapag makasalamuha niya ang NBA GOAT.

Simple lang naman ang gustong malaman ni Yap – ito ay kung gaano kalaki ang kamay ni MJ.

Related Posts

“‘MJ, how big are your hands?’ We are both known for having big hands. It’s a plus factor in basketball. I will place my hand over MJ’s hand to find out the measurement. Just to satisfy my curiosity,” sey ng Rain or Shine star.

Si Yap ang marahil may pinakamalaking kamay sa PBA, kung saan inamin nito sa mga dating interview na naging susi ang kanyang naglalakihang kamay para magawa niya ang ilang shot sa PBA kaya’t tinaguriang ‘Man with a Million Moves’. (Raymark Patriarca)

Tonite – Wendys Inhouse Ad