Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yap kakayod pa rin sa RoS

0 100

Isang buwan nang nakakapag-scrimmage sa Batangas ang Rain or Shine, pero hindi pa sumisipot si veteran James Yap.

Nagkaroon ng minor knee surgery ang two-time MVP, kasalukuyan pang sumasailalim sa rehabilitasyon.

Papasok na sa kanyang 17th season ang 39-anyos at may taas na 6-foot-2, second pick overall ng Purefoods noong 2004.

Isa pa rin ang Negrense guard/forward sa mga beteranong inaasahan ng Elasto Painters.

Umaasa ang RoS na kumpleto na ang rehab ni Yap bago ang opening ng PBA 46th season Philippine Cup 2021 sa parating na July.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung may aqua training ang ibang teams, nakaisip naman ang Painters na idagdag ang dodgeball sa kanilang pagpapakondisyon.

Nasa STI-Lipa na ang Rain or Shine.

Sa dodgeball, hinati ni coach Chris Gavina sa dalawang teams ang kanyang players, harapan sa court at nagbabatuhan ng bola, out ang tatamaan.

Magandang pampaiba ng routine mula sa araw-araw – minsan ay dalawang beses pa maghapon – na scrimmages at 5-on-5 ang team.

Pumangwalo ang E’Painters sa 2020 PH Cup bubble na pinagharian ng Barangay Ginebra San Miguel. Tinalo sila ng Gin Kings sa quarterfinals, 81-73, sa ilalim pa noon ni coach Caloy Garcia. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.