Abante Tonite Interactive

Yap kinalawang versus Phoenix

By
180

Masama ang shooting ng kanilang leading scorer na si James Yap Linggo ng gabi, pero rumesponde ang ibang players ni coach Caloy Garcia at itinumba ng Rain or Shine ang dating namamayagpag na Phoenix Pulse 98-94 sa overtime.

Inagaw ng Elasto Painters ang trangko ng PBA Philippine Cup elims sa 6-1, nakalsuhan ang franchise-best start ng Fuel Masters at sa 5-1 ay bumaba sa No. 2.

Team-best ang average ni Yap na 16.3 points bago ang laro, pero kontra Phoenix ay inalat sa 1 of 9 field goal shooting tungo sa katiting na 2 points. Sablay lahat ang anim na bitaw niya sa 3-point range.

Si Kris Rosales ang sorpresang umeksena, nagkamada ng career-high 16 points tulad ng produksiyon ni Beau Belga para sa Phoenix.

Nilista nina Raymond Almazan at Maverick Ahanmisi ang pito sa 11 points ng Painters sa extra period. Nang dumikit ang Fuel Masters 96-94 sa drive ni Alex Mallari, kumana ng floater si Mark Borboran para selyuhan ang panalo.

“The good thing about this win is, we have different players stepping up,” wika ni Garcia. “Tonight it was Kris Rosales.”

Tumapos si Ahanmisi ng 13 points, may 12 si Almazan. Umayuda pa ng 10 points si Rey Nambatak sa Rain or Shine.