Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yap pumalag kay Pacquiao sa banat vs P9B project

0 103

Ginagamit umano si Senador Manny Pacquiao upang siraan si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa isyu ng P9 bilyong slope protection rock project sa Benguet na iniuugnay sa kongresista.

Ayon kay Yap, ang pahayag ni Pacquiao sa media sa kanyang pagbisita sa Benguet kahapon ay katulad ng mga alegasyong binibitiwan ng kanyang mga kalaban sa politika.

“I will not comment on his ability to discern the truth from lies, but I take offense on his statements which are clearly made for political gains. Please do not use me as one of your publicity stunts,” sabi ni Yap.

Nauna rito, inihayag ni Pacquiao na binigyan siya ng mga dokumento ng mga lokal na opisyal at pirmado ng maraming tao kaugnay ng iregularidad umano sa P9 bilyong slope protection rock project sa Benguet.

Sinabi ni Pacquiao na iimbestigahan niya ang mga paratang na ito bilang chairperson ng Senate committee on public works.

Batay umano sa mga pahayag ni Pacquiao, sinabi ni Yap na malinaw na nakinig ang senador sa mga bulong sa kanya.

Tatakbo si Yang sa pagka-kongresista ng Benguet sa 2022 elections. Siya ang ginawang caretaker ng Benguet sa Kamara matapos na pumanaw si Rep. Nestor Fongwan Sr.

Ayon pa kay Pacquiao, pinalabas umano na tapos na ang P9 bilyong proyekto kahit na nasa 25% pa lamang ito.

Sagot naman ni Yap: “What is unfathomable here is the fact that he has a conclusion in mind already. May bumulong siguro na `Si Congressman Yap po ang may kasalanan diyan’ and he stuck with that.”

Hinamon ni Yap si Pacquiao na maghinay-hinay sa kanyang mga pahayag at huwag umanong magpagamit sa mga taong mayroong personal na interes. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.