Abante Tonite Interactive

Yari kay Daniel: Kathryn binilhan ng daring swimsuit ni Karla

743

Binilhan ng sexy and daring swimsuit ni Karla Estrada ang girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo. Ipinakita niya ang kanyang binili sa episode ng “Magandang Buhay.”

Nagpunta kasi ng Boracay ang “Magandang Buhay” team para sa selebrasyon ng anibersaryo ng kanilang show at sa isang episode, makikitang nagsa-shopping ng swimsuits ang mga host na sina Karla, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

“Bilhan ko na rin sa Kathryn,” sabi ni Karla.

Pumili siya ng swimsuit para sa GF ng anak na kulay yellow ang top at stripes naman sa bottom. Sey ni Karla, bagay raw kasi kay Kath ang yellow.

Pero dahil nga medyo daring ang napiling swimsuit ni Momshie Karla for Kathryn, aniya ay hindi na raw niya sasabihin pa ito kay Daniel bilang conservative nga ang anak.

Kagagaling lang ng lovebirds sa Morocco para magbakasyon at kuwento nga ni Karla, eto na raw ‘yung last hurrah ng bakasyon ng anak dahil nakatakda na itong sumabak ulit sa trabaho pagkatapos.

“Bugbugan na naman sa trabaho, hanggang next year,” sambit pa ni Karla.
Hindi na sinabi ni Momshie Karla kung ano ang projects na gagawin ng anak pero may tsika ngang gagawa ang aktor ng movie with Charo Santos-Concio though wala pa namang kumpirmasyon na nanggagaling sa kanila.
Si Kathryn naman ay balitang may pelikulang gagawin sa Spring Films na hindi kasama si Daniel. Right now ay katatapos lang niya ng movie with Alden Richards.

Regarding KathNiel teleserye and movies, noon pa nabanggit ng aktres na wala raw muna for this year pero siyempre, anything can happen pa rin lalo na’t nasa kalagitnaan pa lang naman ng taon.

Janine nagliwaliw sa New York

Nakakuha ng sandaling break mula sa taping ng “Dragon Lady” ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez. Kasalukuyan siyang nagliliwaliw sa New York City at nagpapaka-turista sa ‘The Big Apple’.

Nagbabakasyon muna roon ang aktres para um-attend ng kasal at graduation ng kanyang mga kaibigan. Ayon sa latest update niya sa Instagram, na-ikot na niya ang Brooklyn at nagpunta rin siya sa Metropolitan Museum of Art.

Samantala, hindi na talaga mabitawan ng manonood ang intense na mga eksena sa “Dragon Lady.” Palaban at hindi papaapi na kasi ang karakter ni Janine bilang Scarlet. Tinutukan talaga ang makapigil-hiningang confrontation scene sa pagitan nina Celestina/Scarlet (Janine) at Michael (Tom Rodriguez).

Matapos kasi ang trending revelation ni Celestina/Scarlet na umani na ng 1 million views sa YouTube, sinusubukan ngayon ni Michael na suyuin at humingi ng tawad sa dalaga.