Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yasmien 7 araw nag-quarantine

0 427

Hindi napigilan ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang maging emosyonal dahil sa separation anxiety na nararamdaman nito dahil sa pagkakawalay sa kanyang pamilya.

Ito ang naging emote niya sa kanyang vlog pagkatapos na sumailalim siya sa pitong araw na quarantine sa isang hotel.

Feeling daw niya, para siyang isang OFW na malayo sa kanyang pamilya.

“Obviously, wala ako sa house namin kasi nasa hotel ako, sa Cocoon Hotel sa Quezon City. Dito ako nag-self-isolate, dito ako nag-quarantine for seven days all by mysel,”aniya.

Ang hotel quarantine raw ay bahagi ng requirement ng GMA-7 para sa kanilang teleseryeng “Las Hermanas.”

“Ang sakit lang kanina umalis ng house, ang hirap pala malayo sa pamilya. Para kang OFW, di ba? One month ako malalayo sa family ko,” naiiyak niyang pahayag.

Para naman labanan ang kanyang nararamdamang sepanx at pagkaburyong, ginawa raw niyang productive ang kanyang quarantine sa hotel.Nag-eehersisyo siya at dumadalo sa zoom meetings.

Maraming netizen naman ang bumilib sa pagiging propesyonal ng Kapuso actress.

Related Posts

Aljur tameme sa hugot ni Kylie

Sa pambihirang pagkakataon, nagsalita na rin si Aljur Abrenica sa tsika na umanoý nagkakalabuan na ang relasyon nila ng asawang si Kylie Padilla.

Katunayan, hindi matigil ang bulung-bulungan na umanoý hiwalay na rin ang mag-asawa at nagsasama na lamang sila for the sake of their kids.

Pero, hindi raw totoo ito. Inamin lang niya na tulad ng sinumang mag-asawa , dumaraan din sa maraming pagsubok ang kanilang pagsasama.

Dagdag pa niya, inaayos umano nila ni Kylie ang kanilang problema. Gagawin nila ang mas makakabuti para sa anak nilang sila Alas Joaquin at Axl Romeo.

Ayaw naman niyang mag-elaborate kung bakit minsan ay may hugot pa rin ang misis na si Kylie sa kanyang Instagram account.

Hindi rin niya tinumbok kung ano ang tunay na ugat ng kanilang di pagkakaunawaan.

Wala rin siyang komento sa mga alingasngas noon na nahilot ng kanyang in-law na si Robin Padilla ang umanoý kanilang misunderstanding na muntik nang mauwi sa hiwalayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.