Abante Tonite Interactive

Yasmien, Gabbi, Bea basang sisiw kay Cardo

0 373

Maaga pa para husgahan kung may ibubuga ang bagong Kapuso teleserye na “Beautiful Justice” sa katapat nitong “FPJ’s Ang Probinsyano” ng Kapamilya network. Pero ngayon pa lang ay kumakain na ito ng alikabok.

Nag-pilot episode ang “BJ” nitong Lunes, at ipinalit sa “Sahaya” na hindi rin kinaya ang hatak sa mga manonod ni Kuya Cardo.

Base sa ratings na nakalap ng Kantar Media, si Coco Martin pa rin ang hari sa primetime sa pagrehistro ng 36% audience share. Sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Bea Binene ng “Beautiful Justice” ay nagmukhang mga basang sisiw sa 17.2% rating.

Nasa ikaapat na taon na ngayon sa ere, mula umpisa hanggang ngayon ay hindi bumibitiw ang mga manonood sa karisma ng “Ang Probinsyano”. Marami na nga ang nagtangka at itinapat para patumbahin o kahit pumantay man lang sa ratings ng teleserye ni Coco. Pero lahat sila ay umuwing luhaan. (Jun Lopez)