Abante Tonite Interactive

Yasmien nagregalo ng bagong kotse sa asawa

By
3,091

Iba rin magbigay ng regalo si Yasmien Kurdi sa kanyang mister, PETMALU! Kahapon ay birthday ng pilot husband ni Yasmien na si Rey Soldevilla at ang surprise gift dito ni Yas ay isang bagong kotse.

Pagbukas ni Rey sa garahe nila ay sumigaw ng, “Surprise!” si Yas at ang anak nilang si Ayesha, tapos ay may cake at kinantahan nila ng birthday song si Rey.

Nandu’n ang brand new, red Honda car na may ribbon, na ‘yung susi ay inabot ni Yas sa kanyang poging hubby.

“I am so grateful I married a man as wonderful as you. Ang swerte ko kasi ang pogi mo, mabait, ge­nerous at at super humble na tao.

“I hope you never change in life, because you are absolutely perfect the way you are. I love you so much! Happy birthday, Pangga!” ang sweet caption ni Yas sa video na pinost niya sa IG.

“Wow!” at saka “Nice!” lang ang natatawang reaksyon ni Rey sa paandar na regalo ng kanyang galanteng asawa.

“Ang tamissss!!!!” ang comment ni LJ Reyes sa video na pinost ni Yas.

“Wow, soshal!!” sabi naman ng close friend nina Yas at Rey na si Rich Asuncion.

In fairness ay ang su­werte nga ni Yasmien sa kanyang pilotong asawa na mabait at mukhang very faithful, kaya ang saya ng pagsasama nila.

Kinaiinggitan tuloy si Yas dahil ang ganda na ng showbiz career niya ay successful pa ang kanyang married life.

Janella nega sa pahaging ni Jenine

Sapul na naman si Janella Salvador sa isang ‘pahaging’ ng madir niyang Jenine Desiderio, na hindi niya ito binati nu’ng ­Mother’s Day.

Sa isang kaswal na sagot sa isang nag-comment sa Instagram ay nagawa na namang i-nega ni Jenine ang anak nito, na may pelikula pa man ding ipapalabas.

Ang common reactions ng mga netizen ay nagtataka raw ba si Jenine, eh kung sila man daw ang naging si Janella ay hindi rin nila ito babatiin.

Ang sabi ng concerned fans, lagi na lang daw ka­sing pinapahiya ni Jenine si Janella sa social media, so sana ay tumigil na ito at maawa naman sa anak.

Nag-expect daw ba ng greeting si Jenine, eh putak ito nang putak? Anila, kahit pa gaano kabait ang isang anak ay mapupuno rin.

Ang totoo ay si Jenine din daw kasi ang sumisira sa pamilya niya.

Bet namin ‘yung isang netizen na humirit ng, “Even if it were true, she didn’t have to reply to this commenter. This mom just couldn’t seem to pass up an opportunity to put her daughter in a bad light. And that pretty much explains why she didn’t get a greeting.”

Matagal-tagal na rin ang hidwaan na ito ng mag-inang Jenine at Janella, na mukhang hindi pa matutuldukan dahil patuloy pa rin si Jenine sa mga hanash nito.

Pero gusto naming maniwala na kung si Jackie Forster nga at ang dalawang anak nitong sina Andre at Kobe Paras ay nagkaayos after 12 long years, sina Jenine at Janella pa kaya na hindi naman nagkahiwalay at nagkasamaan ng loob nang ganu’n katagal?

Sana nga ay magkabati na ang mag-ina dahil kahit ano pang sabihin ay mabigat din itong dalhin para kay Janella, na hanggang ngayon ay parang nahihirapan ding umalagwa nang husto ang career.

Ang medyo okey lang na nangyari, habang silang mag-ina ay hindi pa nagkakaayos ay nag-reconnect naman si Janella sa kanyang estranged father na si Juan Miguel Salvador.
Matagal na panahon ding walang koneksyon ang mag-ama, pero nga­yon ay okey na okey na sila.

Actually, baka mas ikalerky ni Jenine kapag sa June ay biglang may Father’s Day greeting si Janella para kay Juan Miguel sa social media!