Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yassi babu na sa puso ni Cardo Dalisay

0 148

Ngayong pinatay na ang katauhan ni Yassi Pressman sa longest primetime drama na “FPJ’s Ang Probinsiyano,” ano na kaya ang susunod na kabanata sa karera niya?

Hindi makakaila na she from being one of those na starlets,naging major istariray ang kanyang karera dahil nga siya lang naman ang naging pinakamatagal na kabiyak ni Carlo Dalisay sa dramaramang hindi pinagsasawaan ng mga Kapamilya.

And if all the digits na lumalabas are accurate and correct tungkol sa online viewership ng mga episode that led to her character’s demise, hindi puwedeng ikaila na payanig talaga ang pagbabu ni Pressman sa pagtatanghal.

Sa pag-alis ni Yassi sa mga bisig,kalinga at yakap ni Nacancieno, matutuldukan na nga kaya ang chikang may romansahang for real na nagaganap sa kanilang dalawa? O, mas lalo lang itong iigting dahil ang kanyang pamamahinga, mag-co-connect the dots at ngingiti na parang alam na nilang ang susunod na kabanata?

Jane de Leon will replace Yassi Pressman as Cardo Dalisay’s love interest.
Good luck, Bb. Pressman, naway mas bumongga pa ang iyong karera ngayong tapos na ang iyong pagre-reyna sa puso at buhay ni Cardo Dalisay.

Pinili si Piolo: Optinum Star binili ang kontrata

Every inch an Optimum Star talaga ang estrella treatment na ibinigay ng Borracho Films para sa pagbabalik pelikula ni Claudine Barretto.

May pa-video presentation. Check. Present and director ng pelikula, direk Joel Lamangan. Check na check. Siyempre pa kasama sa payanig ang screenplaywriter, Eric Ramos, triple check. At piling-piling members of the entertainment media, quadruple check!

Mapaghamon ang katauhang bibigyang buhay ni Claudine sa kanyang balik pelikula kung saan mapapanood ang kanyang bittersweet samahan with a batang autistic at on the side, may hello, young lover pa siya in the person of Gerald Santos.

Halatang hindi lang tickled pink, kundi sobrang grateful si La Barretto sa mbilis na mga kaganapan. Alam naman nating lahat na on hold ang balik tambalan nila ni Piolo Pascual ang “Florence” dahil nga malalala ang COVID 19 cases sa Italy.

Paglilinaw ni Claudine na hindi sequel ang “Florence: ng pinagtambalan nila ni Papa P dati, ang “Milan.” At may reveal rin ang optimum star na she had to buy out her contract from her dating pamunuan para lang magawan ang kanilang movie ni Pascual.

From her dating pamunuan rin dapat ang balik tambalan nila ni Mark Anthony Fernandez na alam na nating lost in space na at gone with the wind pa.

Sa mga artistang lalaking sikat sa kasalukuyan, ang gustong makatrabaho ni Clau sa malapit na hinarap ay sina: “Siyempre si Coco Martin. I look forward to work with him kasi alam kong mahusay siya. Saka si Daniel Padilla, I think he is one of the better young actors na we have right now.”

Andrew bida na sa BL

Bidang-bida na si Andrew Gan sa ipapalabas na BL drama ngayong Pebrero.

Kwento ni Andrew: “Kaya kayong patawanin, pakiligin, mainspire, paiyakin at higit sa lahat mare-realize niyo gaano kasarap mabuhay.”
Overwhelmed at grateful si Gan na na bida na siya sa isang BL drama.

Saad uiya: “Alam mo Ms. A, hanggang ngayon hindi pa nag-si-sink in sa akin na bida na nga ako. Ang focus ko lang sa ngayon ay mabigyan ng justice ang role. Gusto ko lang na maging totoong-totoo siya. Na marami ang kiligin. Marami ang maniwala sa pagmamahalan namin. Ang ganda ng kwento namin Ms. A. Dito kasi, makikita nila na pure and romantic ang love ,” deklara niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.