Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yassi balik-alindog

0 196

NI: VINIA VIVAR

Balik-alindog this year si Yassi Pressman matapos magpahinga at mag-hibernate last year.

Sa kanyang Instagram post ay ipinakita niyang tumaba siya last year. Pero ngayong 2022 ay magsisimula na raw siya ulit nag-work-out.

“I just wanted to share with you guys that now I am on a new fitness journey because last year this is where I was at,” aniya sabay-pakita ng mga larawan niyang kuha last year at makikita ngang medyo tumaba siya.

Ang term nga niya sa ginawa niyang pahinga last year ay hibernation period.

“I think that there’s nothing wrong with giving yourself a break, gusto mo ring magpahinga and just to have fun and to let go. I called it my hibernation period,” she said.

Pero this year ay ibabalik na raw niya ang dati niyang shape.

“This year, I wanted to start new again and I wanted to get back on track so I got into a program,” saad pa ng aktres.

Ipinakita rin ni Yassi ang dati niyang katawan na slim and fit siya at ito raw ang goal niya ngayon. May pa-hashtag pa siyang #YASSLETSGETIT sa kanyang fitness journey.

Nag-post din si Yassi ng mga new photo niya kung saan ay ipinakita niya ang kanyang puson na actuall ay maliit lang naman.

Babala pa niya, huwag daw paniwalaan ang mga perfect shots ng ibang artista sa social media.

“Don’t believe social media all the time, angles that make some of us look perfect aren’t always perfect in real life.

“Remember that kids! And that’s okay!

“Just work towards your goals when you’re ready!” ani Yassi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.