Abante Tonite Interactive

Yassi hirap tanggapin ang nangyari kay Manoy

588

tonite-this-is-it-roldan-castroHindi maitago ang kalungkutan ni Yassi Pressman sa inabot na aksidente ni Eddie Garcia.

Hindi raw niya maipaliwanag ang naramdaman at pagkabigla nang makita niya ang viral photo ng beteranong aktor sa nasabing insidente.

“He’s always kind, always there, always strong, and then never niya gustong makita na he’s weak at any point, e, parang ang dami-dami na niya pong naibigay sa industriya, and dami na niya pong naibigay sa mga co-actors niya, tulong, caring… things. Parang, wala lang…any loss or anything bad, any accident na mangyari sa kanya o kahit kanino naman, mahirap tanggapin. And I just feel extremely sorry, sad, especially to the family,” lahad niya sa panayam ng pikapika.

Abante Hiring – IT dep

Sey pa ni Yassi, ‘pag nagkaroon siya ng chance na makausap si Manoy ay magpapasalamat siya sa lahat-lahat na kontribusyon nito sa kanyang buhay.
Nagkasama sila sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”
***

Head ng YG Entertainment nagbitiw sa
iskandalo

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa South Korea ang pagre-resign ng YG Entertainment’s founder and chief producer na si Yang Hyun-suk. Ito’y dahil sa pagkakadawit ng kompanya at artists nila sa alegasyon ng droga at prostitusyon.

Ayon sa kanyang statement:

“I’ve dedicated the last 23 years of my life to YG Entertainment. It was my biggest pleasure to support the best artists and music and the only gift I can give to society and fans. From today however, I’ve decided to step away from all responsibilities and positions at YG.

“I sincerely hope that there is no further harm to the YG agency celebrities I love, and to the fans who love them, because of me.”

Ang announcement na ito ni Yang Hyun-suk ay may kaugnayan sa report diumano na pinapatahimik niya ang taong nag-provide ng illegal drugs sa isa niyang artist na si iKON B.I. Kamakailan naman ay si Seungri ang nasangkot sa iskandalo.

Maging ang kapatid ni Yang na CEO ng YG na si Yang Min-suk ay nagbitiw rin.

“In order for [the company] to solve these current difficulties, grow, and prepare for a new breakthrough, I believe a big change is needed. And in order for there to be no misunderstan-dings regarding Yang Hyun Suk’s decision to step down, I think there needs to be a clarification on my part. After careful consideration in the midst of these situations, I have decided to resign from my long-held position of CEO at YG Entertainment.”
***

Janelle
dismayado sa hatol sa R­amgen case

Nadismaya si Janelle Manahan, kasintahan ng yumaong si Ramgen Revilla, sa naging hatol ng Parañaque Regional Trial Court Branch 274. Absuwelto kasi si Ramon Joseph “RJ” Bautista at lima pang suspek sa pagpatay umano kay Ramgen.

Kahit ang ‘frustrated murder case’ na ikinaso ni Janelle ay ‘not guilty’ rin ang desisyon.

Hindi akalain ni Janelle na ganito ang kahahantungan ng halos walong taon niyang paghihintay.

Ikinalulungkot niya na hindi pa nabigyan ng katarungan ang pagpatay kay Ramgen dahil sa pag-laya ng mga akusado.