Abante Tonite Interactive

Yassi iiwan si Coco

By
0 232

Inintriga si Yassi Pressman nang makitang nakipag-bonding sa mga Kapuso star. Ang tanong nila ay kung iiwanan na ba niya si Coco Martin na leading man niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Babalik na raw ba ito sa GMA 7?

Reunion lang pala ang dinaluhan ni Yassi sa mga dating kasamahan niya sa “Party Pilipinas” at “Sunday All Stars”. Hindi naputol ang friendship niya sa mga ito kahit Kapamilya na siya.

Nandoon din sa reunion sina Mark Herras, Winwyn Marquez, Rocco Nacino, Mayton Eugenio, Frencheska Farr, Steven Silva at mga napapanood na rin sa Dos na sina Jay-R at Kris Lawrence.