Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yassi, JC nagsakripisyo sa pag-ibig

0 194

NI: ROLDAN CASTRO

Mula kay Nuel C. Naval, direktor ng adaptation ng comedy-drama film “Miracle in Cell No. 7”, ay isang panibagong Philippine remake ng Korean romantic drama film na dudurog sa inyong mga puso, ang “More Than Blue”. Paparating na sa Vivamax ngayong November 19, 2021, pinagbibidahan ng mahusay na aktres na si Yassi Pressman at award-winning actor JC Santos.

Ang “More Than Blue” ay kuwento nina K at Cream na kapwa ulila, nakatira sila sa iisang tahanan pero walang romatikong ugnayan sa kanilang dalawa. Si K ay inabandona ng kanyang nanay nang mamatay ang tatay nito dahil sa kanser, habang si Cream naman ay namatayan ng buong pamilya dahil sa car accident. Nang malaman ni K na siya ay may taning na dahil sa malalang stage ng cancer, inilihim niya ito kay Cream at tinulak pa niya itong makapag-asawa ng isang mabait at malakas na lalaki.

Kalaunan, nakilala ni Cream si John Louis, isang mayamang dentista na inamin niyang nagugustuhan na niya. Nasaktan ang puso ni K nang malaman ito, ngunit sa isang banda panatag din siya dahil hindi na maiiwanang nag-iisa si Cream.

Ang tunay na pag-ibig ay may kaakibat ngang pagsasakripisyo para sa taong minamahal. Pero sa katayuan nina K at Cream, sapat nga ba ito para higit na maparamdam sa tao na minamahal siya?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Pinoy remake ng romance-drama sensation na ito, ginagampanan ni JC ang role ni K at si Yassi naman bilang si Cream. Handa na nilang iparamdam sa mga manonood ang pag-ibig kasabay nang pagluha sa kanilang unang tambalan onscreen.

Excited si Yassi sa kanyang panibagong pelikula. At kahit pa natanggap niya ang parehong Korean at Taiwanese versions nito bilang reference, may pag-aatubili siyang panoorin ito. Sa halip, gusto niyang natural na makabuo ng sarili niyang version ng Cream.

May mahalagang papel din dito sina Diego Loyzaga at Miss Universe Philippines 2013, Ariella Arida.

Ang More Than Blue ay South Korean drama classic na pinalabas noong 2009, in-adapt naman ito sa Taiwan taong 2018. Mainit ang naging pagtanggap dito, sa katunayan naging domestic highest-grossing film ito ng Taiwan na may halos $300 Million gross sa taong iyon. Naging worldwide phenomenon ito na may blockbuster screenings sa mga East Asian countries kabilang ang China, Hong Kong, Malaysia, at Singapore. Nakapagtala ito bilang highest-grossing Taiwanese film sa mga bansang nabanggit.

Save the date na para sa #WasakPusoDay ngayong November 19, 2021 sa Vivamax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.