Abante Tonite Interactive

Yassi, Julia ikinumpara ni Coco

2,095

“Kung ako naging ulam? Siyempre adobo. Para habang tumatagal, sumasarap,” deklara ni Coco Martin sa launching ng se­cond commercial niya sa Sarsaya Oyster Sauce.

Ikinumpara naman ni Coco ang rumored girlfriend niyang si Julia Montes sa leading lady niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na si Yassi Pressman.

“Si Yassi siguro beef steak. Isa sa masasarap kainin, hayan e, patay tayo diyan,” pakli niya.

E, si Julia?

Related Posts

“Basta kare-kare, masarap, ang hirap naman, o” tugon niya na tumatawa na inamin ni Coco na kare-kare ang paborito niyang ulam.

Ibinunyag din ni Coco na mahilig siya sa street food. Kinalakihan daw niya ‘yan sa Novaliches.

“Hindi naman talaga kami mayaman. Kumbaga, kung papipiliin mo ako ngayon kung steak o mga tokneneng at ibang street food, mas pipiliin ko ‘yung street food kasi doon ako lumaki,” deklara niya.

Hanggang ngayon daw ay kumakain siya sa Paresan sa Retiro. (Roldan Castro