Abante Tonite Interactive

Yassi kabado kay Julia

949

Napabalita ang umano’y pagbabalik sa limelight ng rumoured girlfriend ni Coco Martin na si Julia Montes. Humigit-kumulang din na isang taon nitong pagkawala.

Dahil dito, may netizen na nagsasabing dapat kabahan si Yassi, ang leading lady ni Coco sa longest running teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

May mga tsika ring posibleng pumasok si Julia sa nabanggit na toprating teleserye ng Kapamilya network.

Sa kaso naman ni Yassi, nabigyan ng kulay ang pagpo-post niya ng appreciation post kay Coco kamakailan.

Sa larawan kasama niya ang “3Pol Trobol” star noong pumunta sila ng Germany.

Dahil dito, hindi siya tinantanan ng netizen.

Sey ng ilan, nagpapansin daw ito kay Coco. Pihadong kinakabahan din dahil kung sakaling matutuloy si Julia sa “FPJAP”, mababaling dito ang atensyon ng actor-producer at posibleng matsugi raw siya sa teleserye.

(Archie Liao)