Abante Tonite Interactive

Yassi kinidnap ni Coco

By
0 3,747

May balikan ka­yang mangyayari kina Coco Martin at Yassi Pressman sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Tuloy kaya ang kilig sa Cardo at Alyana?

Hindi sinukuan ni Car­do si Alyana kahit nasaksihan niya mismo ang pag-oo ni Alyana sa alok ni Marco (JC Santos) na kasal.

Inaabangan na naman ng mga televiewer ang pakikipaglaban ni Cardo mula kay Marco at muling susubukang sungkitin ang puso ng asawa.

Kinidnap niya ang asawa at dinala sa isang malayong komunidad upang subukang mamuhay.

Lumambot kaya ang puso ni Alyana? May pag-asa pa nga ba ang pagmamahalan nina Cardo at Alyana?

Samantala, pinarangalan si Coco ng Fernando Poe Jr. (FPJ) Memorial Award sa 66th FAMAS Gabi ng Parangal para sa kanyang mahusay na pagganap mapa-pelikula man o telebisyon.

“Noong bata po ako, kasa-kasama lang po ako ng lola ko na nanonood ng TV dahil sobra niya pong iniidolo si FPJ at si Nora Aunor. Hindi ko po inaakala na paglaki ko po pala, papalarin po pala ako na pumasok sa ganitong klaseng trabaho,” bahagi ng acceptance speech ng aktor.

***

Manay Ichu may litanya sa kabastusan ng mga young star

PINARANGALAN ng Film Development Council of the Philippines ang isa sa mga Ina ng Industriya ng Pelikula sa Pilipinas, si Maria Azucena Vera-Perez Maceda o mas kilala bilang ‘Manay Ichu’ sa event na “A Spotlight on Mothers of Philippine Cinema” na ginanap noong Hunyo 9, 2018 sa Cinematheque Center Manila.

Si Manay Ichu ay lumaki sa industriya mula sa pamilya na nagmamay-ari ng Sampaguita Pictures, isa sa pinakamalaking Film Production company sa Pi­lipinas mula ‘30s hanggang sa ‘70s. Ang Sampaguita Pictures ang gumawa ng mga classic na minahal ng mga Pilipino at nakapagbigay ng libo-libong mga trabaho sa mga filmmaker at talent.

Si Manay mismo ay naging producer ng sikat at highly-acclaimed films tulad ng Dyesebel at Batch ‘81. Ang kanyang passion at pagmamahal sa industriya ay hindi tumigil sa paggawa ng mga pelikula. Mula sa kinalakihan niya sa Sampaguita, tumulong siya na makita at mapahusay ang mga ahensya na may kaugnayan sa pelikula, isang pagpapatunay na maaari kang maging isang mahalagang bahagi ng industriya ng pelikula kahit na hindi ka kasama sa paggawa ng pelikula.

Tumulong siya na maitaguyod ang Movie Work Welfare Foundation (MOWELFUND), ang Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Film Academ­y of the Philippines (FAP), ang Philippine Motion Pictures Producers Association, ang Experimental Cinema, at ang Film Development Council of the Pilipinas (FDCP), kung saan siya namuno sa International Film Festival Committee (IFFCOM).

“Truly, Manay Ichu is an exceptional force in the film industry. She has helped found the current pillars of Philippine Cinema and has made steadfast strides for its further deve­lopment. We are more than honored to recognize her for her life’s work,” (Tunay na si Manay Ichu ay isang pambihirang puwersa sa industriya ng pelikula. Nakatulong siya na maitayo ang mga kasalukuyang haligi ng Philippine Cinema at nakagawa na ng matitibay na hakbang para sa karagdagang pag-unlad nito. Mas higit na karanglan para sa amin na bigyang-pagkilala ang mga nagawa niya sa buhay),” sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño.

Sa kanyang speech, binanggit ni Manay Ichu ang mga aral na natutunan niya sa industriya.

“Remember that aside from being an art form, this is basically a business, so you have to at least break even so you can recover your investment and produce the se­cond film. Para que pa kayo magpo-produce ng bagong pelikula (kung) kayo lang ang nakakaintindi, wala namang manonood? Hindi na kayo makakagawa ng pangalawang pelikula, tandaan niyo ‘yan. Never make a film solely to satisfy­ yourself. Make your film for a wide audience,” sabi niya.

Ibinahagi rin niya na dapat mahalin ang industriya nang hindi umaasa sa anuman sa pagbabalik. “Love your craft and love the industry. Don’t expect anything back aside from your investment of course. Huwag mong asahang ibalik kaagad sa’yo ang ipinakita mong pagmamahal sapagkat balang araw babalik ‘yan sa inyo tulad ng tinatamasa ko ngayon,” saad pa niya.

Ang parangal kay Manay Ichu ay sinuportahan ng mga malapit sa puso niya gaya nina Gloria Romero, Nova Villa, Gina Alajar, JoAnn Bañaga ng TV5, at Regal Producer, Mother Lily Monteverde. Ang bawat isa ay nagbigay ng espesyal na mensahe para kay Manay Ichu kabilang ang dalawa sa kanyang mga anak, si Atty. Ernest Maceda at si Ginoong Erwin Maceda na naroon kasama ng kani-kanilang pamilya. Ginawaran siya ng plaka ng karangalan ni Chairperson Diño kasama ng well wishes para sa kanyang future endeavors.

Naglitanya rin si Manay Ichu at naglabas ng sama ng loob sa ilang movie press na nakatsikahan niya. Ito’y tungkol sa kawalan ng paggalang umano ng ilang mga young star sa mga beteranong artista. Hindi rin nakaligtas ang pagi­ging unprofessional ng mga batang artista.

Dapat nga namang mag-seminar ang mga ito sa mga veteran star pagdating sa kagandahang asal at pagmamahal sa trabaho, huh!