Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yassi malikot

0 902

NI: ROLDAN CASTRO

“Life is either a daring adventure or nothing at all,” yan ang paniniwala ng print ad model na si Yassi Benitez.

Siya ay tipo ng babaeng malikot.’Yung tipong mas bet niyang makipagsalaran sa buhay kesa nakakulong lang sa isang sulok.

Si Yassi ay part owner ng online gaming station.

Pantasya rin siya ng mga barako follower niya sa IG dahil sa kanyang kaseksihan. May taas siyang 5’6” at isang Fil-Spanish.

Inspirasyon din siya ng mga kababaihan na gustong ma-maintain ang magandang porma ng katawan.

“Masarap sa pakiramdam na gingawa kang fitspiration ng mga babae kasi body goals ka nila kaya lalo ako napu-push na maging good example for them,” sambit niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.