Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yassi naligo sa poso

0 85

NI: ARCHIE LIAO

Hindi lang sina Zsa Zsa Padilla, Nadine Lustre at Andi Eigenmann ang nagi-enjoy sa tahimik na vibe ng buhay probinsya.

Dumagdag na rin sa listahan nila ang Viva artist na si Yassi Pressman.

Sa kanyang Instagram, marami ang naaliw sa video clip na kanyang ibinahagi kamakailan.

Makikita kung gaano niya ini-enjoy ang kanyang stay sa Siargao.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makikita rin na wala siyang kaere-ere sa kasimplehan habang nagbabanlaw sa isang poso negro .

May caption ang kanyang post na : “Buhay probinsya! The simple things! Salamat po sa mga kapitbahay na pinayagan ako na mag-rinse sa labas ng bahay nila bago umuwi after mag-surf! Hihi lablab.”

Umani naman ito ng likes sa kapuwa celebrities niya tulad nina Rhian Ramos, Andi Eigenmann, Katarina Rodriguez, Cherry Pie Picache .

Bukod sa pagiging artista, enjoy rin si Yassi sa kanyang role bilang isang budding enterPinay.

Ang dog accessories business niya ay patok sa dog lovers.

Pagkatapos mag-host ng kanyang first ever game show na “Rolling In It Philippines” , si Yassi ay nakatakdang magbida sa Pinoy adaptation ng Korean hit film na “More Than Blue”. Makakasama niya sina JC Santos at Marco Gumabao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.