Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yassi paborito si Damian Lillard

0 179

Nagkita na ulit sa personal ang Pinay aktres na si Yassi Pressman at NBA superstar na si Damian Lillard.

Ibinida ito ni Yassi sa kanyang Instagram post, kung saan makikitang nakaakbay pa sa kanya ang 6’2 na guard.

Sa Los Angeles, California nagkita ang dalawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“[I] wanna say thank you to this big guy for spending time today, helping me out during my reachout in the PH when the Philippine General Hospital caught fire,” saad ni Yassi.

Matatandaang noong nasunog ang isang bahagi ng Philippine General Hospital ay isa si Lillard sa mga umayuda sa donation drive na inorganisa ng aktres.

Kaya naman ‘di itinago ni Yassi ang matinding paghanga sa basketbolista.

“You are truly a gem. So down to earth. My most favorite player,” wika pa ng aktres. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.