Abante Tonite Interactive

Yassi pumiyok sa pag-entra ni Maine

2,740

tonite-pak-allan-dionesHappy si Yassi Pressman na 3 years na sila sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Sobrang dami nang artistang nagkatrabaho at nakapag-guest sa primetime serye ni Coco Martin, na ang huli ay sina Rhed Bustamante at Mystica.

Aminado si Yassi na sobrang close na sila ni Coco, sa tagal ng panahon ng pagsasama nila sa show.

Close sila, pero hindi to the point na maiinlab siya rito kahit napaka-charming at sobrang maalaga ni Coco?

“May love naman po talaga, but it’s a different kind of love, opo. Parang thankfulness and ‘yung ganu’n pong love,” pakli ni Yassi.

Hindi ‘yung tipo ng love na pangrelasyon, ganern?

“Hindi naman po,” nakangiting sagot ng 23-anyos na dalaga, na isa sa mga bida sa Viva movie na ‘Para Sa Broken Hearted’.

Kamusta ang lovelife ni Yassi?

“Wala rin naman pong gano’n,” natatawa niyang sagot.

By choice ba ‘yon?

“By choice and by chance. By work po,” ­napapangiting sey niya.

Ayon kay Yassi, ang karakter niya sa movie na si Shalee ang isa sa pinakapaborito niya sa mga nagampanan niya dahil sobrang brave nito.

Nang tanungin ang cast kung gaano katagal ang pinakamatagal nilang relasyon ay hindi sumagot si Yassi, na parang ayaw nang alalahanin pa ang kanyang nakaraang pag-ibig.
Ang sabi niya sa amin last time, ang huli niya pang boyfriend ay si Sef Cadayona na ang tagal-tagal na.

Sa October 3 ang showing nationwide ng ‘Para Sa Broken Hearted’.

Samantala, nahingan ng comment si Yassi tungkol sa sinabi ni Maine Mendoza na willing itong mag-guest sa ‘Ang Probinsyano’.

Sey niya, “Nakita ko nga po ‘yon. Na-excite din po ako na makasama rin siya (Maine). Ang cute nga nila, nakita ko ‘yung pictures, eh!”

Magkasama sina Coco at Maine sa MMFF 2018 movie na ‘Jack Em Popoy: The Puliscre­dibles’.

***

Markki binungi ni Luigi

Tiyak na hindi makakalimutan ni Markki Stroem ang action flick na ‘Tres’ dahil nabungian siya ng isang ngipin because of the movie.

Kasali si Markki sa isang malaking fight scene sa ‘Amats’ episode ng ‘Tres’ na ang bida ay si Luigi Revilla.

Kuwento ni Luigi sa solo presscon nito kahapon, ni-rehearse nila ang fight scene pero nu’ng take na, in the heat of the moment daw siguro ay tinamaan niya si Markki pagsipa niya at nahulog.

Natuwa pa ang mga taga-production dahil ang ganda ng sipa ni Luigi, sapul na sapul. After the scene ay nag-usap pa sila ni Makki at ang sabi raw nito, he was okay.
The next day ay nag-loosen pala ‘yung isang ngipin ni Markki, tapos ay natanggal. Kalerks!

So, nabungi si Markki dahil sa sipa ni Luigi?

“Mabuti na lang, hindi front teeth. Eh ang dami pa naman niyang projects. Sorry, sorry,” bulalas ng 26-anyos na si Luigi, na bumilib kay Markki dahil hindi raw ito umarte o nagalit at tinuloy pa rin ang eksena.

One scene lang pala si Markki sa pelikula, nabungian pa. Aksidente naman daw kasi at hindi sinadya.

Si Myrtle Sarrosa ang love interest ni Luigi sa ‘Amats’ episode, pero si Assunta de Rossi ang naka-affair niya. Ito ang tumulong at kumupkop sa kanya, pero jinowa siya ng cougar na si Assunta at tinuruan siya nitong mag-drugs. Kaya may amats sila pareho nu’ng mag-love scene sila.

Kuwento ni Luigi, first shooting day nila ‘yon at ang first scene ay love scene kaagad. Napalunok daw siya nang matindi at napalaban siya sa eksenang ‘yon.

Boxers lang ang suot niya, so meron siyang pa-abs. Si Assunta ay topless din. Si Assunta raw ang mas aggressive dahil virgin ang karakter dito ni Luigi at first time niya ‘yon makipag-sex.

Kahit adik-adik siya sa movie ay inosente siya at si Assunta ang nagbinyag sa kanya. PAK!

After the scene ay nag-sorry pa raw sa kanya si Assunta at ito pa ang nahiya sa ginawa nito sa kanya. Pero masaya raw si Luigi at na-enjoy niyang gawin ang love scene.

Alam niyang naka-love scene din noon ng tatay niyang si Senator Bong Revilla si Assunta sa isang pelikula nito. Niloko pa raw siya ni Sen. Bong na tinawagan nito si Direk Dondon Santos at pinalagyan daw nito ng pumping ang love scene nila ni Assunta.

Nakangiting inamin sa amin ni Luigi na nu’ng kabataan niya ay may kopya siya ng FHM na cover ang napakaseksing si Assunta. Ngayon ay ka-love scene na niya ito sa pelikula.

Excited na suryal ang pakiramdam ni Luigi dahil first time niyang magbibida sa pelikula sa ‘Tres’, ang 3-in-1 action movie nila nina Jolo at Bryan Revilla na sa October 3 ang showing sa mga sinehan.