Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yassi sabik kay Coco

0 549

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin si Yassi Pressman sa “Magandang Buhay.”

Natanong siya ng mga host kung nami-miss ba niya ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi naman niya ikinaila na nagka-sepanx siya nang mawalay kay Coco Martin sa serye.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagtatapat niya, naging pamilya na raw niya kasi ang mga kasamahan niya sa toprating TV series.

“Siyempre, sobra. Tini-text ko pa rin sila. Tini-text pa rin nila ako, nakaka-miss kasi real family ‘yon eh,” ani Yassi.

Nagpapasalamat naman si Yassi sa Dreamscape at kay Coco sa pagkakataong ibinigay sa kanya ang gampanan ang papel ni Alyana, asawa ni Cardo Dalisay sa FPJAP.

Tanggap din daw niya ang kanyang kapalaran sa serye lalo pa’t kailangan ito sa kuwento.

Leave A Reply

Your email address will not be published.