Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yassi todo tanggi sa Valentina audition

0 244

NI: ARCHIE LIAO

Idinenay ni Yassi Pressman ang nasulat sa isang online tabloid, (hindi ang Abante Tonite) na nag-audition siya sa much-coveted role na Valentina sa seryeng “Darna” na nagsimula na ang taping kamakailan.

Ayon kasi sa article, nag-audition daw sina Yassi, Jackie Rice, AJ Raval, Ivana Alawi at Janine Gutierrez para sa nasabing papel bilang kontrabida ni Jane de Leon.

Sey pa sa tsika, bet na bet daw ng mga nabanggit na artista ang gumanap bilang villainess ng iconic Mars Ravelo superheroine character.

Sa kanyang Twitter account, pinabulaanan naman ng actress ang naiulat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinost niya ang nasabing article at may komento itong “False.”

Hirit pa niya, masaya siya sa kung sinuman ang makakakuha ng naturang papel pero sa ngayon daw ay gusto niyang magpokus sa kanyang mga negosyo at sa kanyang bagong movie na mapapanood na sa Vivamax.

“Very happy for whoever’s going to get this wonderful part! But as of now, I’m only focusing on my businesses and my new film, More Than Blue,” paglilinaw niya.

Speaking of Valentina, marami na ang abangers kung sino ba ang magiging arch nemesis ni Jane de Leon sa serye.

May mga nago-opinyon na dapat daw ay less sikat ito kay Jane.

Leave A Reply

Your email address will not be published.