Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yayo keri maging dyowa ang bagets, tomboy

0 222

NI: ROMMEL PLACENTE

WALA pa ring lovelife hanggang ngayon si Yayo Aguila. After nilang maghiwalay ng dating matinee idol noong 80’s na si William Martinez, ay hindi pa uli siya pumapasok sa isang relasyon.Pero okey lang naman sa kanya, na single pa rin siya. Hindi niya priority ang lovelife.

‘Kapag nagdarasal ako, hindi ko hinihiling kay Lord na bigyan Niya ako ng boyfriend. Ang dinadasal ko, ‘yung sana lagi Niya akong bigyan ng trabaho. Priority ko ang work, kesa ang magkaroon ng boyfriend,”sabi ni Yayo

Natutuwa naman si Yayo na dinidinig ni Lord ang mga dasal niya.Hayan nga at hindi siya nawawalan ng trabaho.Kabi-kabila pa rin ang dating ng offer sa kaya, sa telebisyon at pelikula. Sa ngayon, ay napapanood siya sa BL series na My Extra Ordinary.Pinagbibidahan ito nina Darwin Yu at Enzo Santiago.Gumaganap siya rito bilang nanay ni Enzo. Napapanood ang serye tuwing Linggo sa TV5,11:00 PM.

Sa edad na 53, ay mukhang dalaga pa ring tingnan si Yayo, kahit may apat na anak na siya. Maganda pa rin siya. Hindi tumatanda ang kanyang hitsura. Siguradong marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya.Pero ayon sa mahusay na aktres, wala naman daw nanliligaw sa kanya.

“May nagsabi sa akin, na baka raw nai-intimidate ‘yung mga lalaki sa akin, kaya hindi nila ako magawang ligawan,”natatawang sabi ni Yayo

Tinanong din si Yayo kung okey lang ba sa kanya kung bagets ang maging dyowa niya. Wala raw problema kung doon siya liligaya basta’t walang tinatapakang tao .Hindi rin siya nagsasalita ng tapos kung sakaling magkaroon siya ng relasyon sa kapwa babae, Depende raw sa situwasyon at nararamdaman ‘yan.

Kung single si Yayo, ganoon din si William. Hindi kaya magkabalikan sila?

“Wala na talaga. As in friends na lang talaga kami. Hindi siya nawawala sa isip ko.Siyempre tatay siya ng mga anak ko. Tapos palagi,kapag nakikita ko ang mga anak ko,maiisip ko ‘yung tatay nila.Sasabihin ko,’o dalawin ninyo ang tatay ninyo,’ Ganu’n.

“Okey na ‘yung ganito na friends na lang kami, na okey na kami. Dati, ‘pag dinadalaw niya ‘yung mga anak namin, hindi siya pumapasok sa loob ng bahay ko. Pero ngayon pumapasok na siya,” lahad pa ni Yayo.

Nakausap namin si Yayo nang mag-guest siya sa show namin sa Kumu, na Real Talk With Friends noong Lunes. Sa mga gustong mapanood ang show namin gabi-gabi,9PM sa Kumu, punta lang kayo sa Rodilicious account.

Leave A Reply

Your email address will not be published.