Abante Tonite Interactive

Yee binasag ang Makati

0 276

Humukay ng 11 points at 12 rebounds si ex-pro Mark Yee upang pagbidahan ang Davao Occidental Tigers sa pagbasag sa Makati Super Crunch, 101-79, sa 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 eliminations Martes sa San Andres Sports Center.

Pero si Yee ang aktuwal na nanguna sa opensiba ng Davaoeños kundi si Chester Saldua na may 14 markers, habang nakatig-13 pa sina best player of the game June Kenneth Mocon at Yvan Ludovice para palitadahan ng DavOc ang Group B South Division sa fifth straight win at 21-3 slate.

“Well nag-trust lang kami sa mga pinapagawa ng coach namin,” pahayag ni Mocon tapos ang matagal na pahinga mula pa nang hakbangan ang Pasig Sta. Lucia Realtors nitong Disyembre 17. “Like noong unang linggo namin nag-conditioning kami tapos nag-ready talaga kaming maigi sa laban sa Makati kasi alam namin na they are really a strong team.”

Napunta lang sa kawalan ang 19 points ni ex-pro Juneric Baloria sa magkasunod na semplang ng Makati at gumulong sa 20-6pagkapakao sa pangatlong puwesto sa sa Group A North Division.

Ang iskor:
Davao Occidental 101 – Saldua 14, Ludovice 13, Mocon 13, Yee 11, Robles 10, Forrester7, Balagtas 7, Raymundo 6, Bonleon 5, Gaco 4, Calo 3, Albo 3, Dumangan 3, Lamocha 2

Makati 79 – Baloria 19, Sedurifa 13, Villanueva 10, Torralba 10, Ablaza 9, Apinan 6, Cruz 4, Importante 4, Manlangit 3, Sta. Maria 1. (Aivan Episcope)