Abante Tonite Interactive

Yee, Davao Occidental tatabunan ang Basilan

178

Tinatayang raratsada uli si ex-pro Mark Yee sa ­pakikihamok nang naninibasib na Davao ­Occidental Tigers kontra Basilan Steels sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 elims mamayang alas-6:30 nang gabi sa La Salle Coliseum sa Bacolod City.

Sumakmal si Davao team skipper Yee ng 19 points, 10 rebounds at dalawang assists nang kalmutin ng kanyang kampo nitong Martes ang Bicol Volcanoes, 88-76, para sa kambal na salakay upang masolo ang Group B lead sa 12-2 win-loss mark.

Susuporta kay Yee sina ­Emman Calo, Bogs Raymundo, at Chester Saldua na mga pumukol ng 15, 11 at 10 markers sa laban din ng Tigers sa Volcanoes.

Pangunahing pamato ng Group B 4th-running ­Basilan si Cris Dumapig na may 11 markers at 10 baords nang pugutan ang Imus ­Bandera may apat na araw pa lang ang nakararaan, 98-85.

Aagapay sa kanya sina Jay Collado,Gabriel Dagangon, Heseb Gabo, at Junjie Hallare na may 17, 15, at tig-13 puntos sa laro ring iyon ng Steel.

Magtatagpo naman sa ­alas-9:30 nang gabi ang Group B 11th placer Bacolod (5-8) at win-less pa sa 13 games na SOCCSKSARGEN. ­(Aivan Denzel Episcope)